What can you expect if you put together Ai-Ai delas Alas and Aga Muhlach in one romantic-comedy television series? It’s definitely double the fun and the riot. Ngayon pa lang ay tiyak nang patok ang kanilang much-awaited tandem.
Excited na raw ang dalawa sa kanilang upcoming show sa ABS-CBN. “It’s a new kind of series. It’s not an everyday thing. It’s once a week at tuluy-tuloy lang iyong istorya na gagawin namin. As much as possible, gusto naming i-treat sila na parang pelikula ang eksena,” sabi ni Aga sa isang interview ng SNN: Showbiz News Ngayon.
Sinabi ni Aileen na wala pang tentative title ang kanilang show but this will be shot in Tagaytay and will be directed by Jeffrey Jeturian. Shooting the scenes will definitely be a breeze for Aileen and Aga dahil matagal na silang magkaibigan. Aga doesn’t mind doing a kissing scene with Aileen kung talagang kailangan ito sa script. “I don’t mind. Tingnan mo naman si Ai-Ai. Lahat nagpapakamatay riyan. Never naging zero ang love life niyan.”
The first on-screen pairing of Aileen and Aga is a welcome treat for all viewers. Marami na ang nami-miss mapanood si Aga sa telebisyon. Ang ganda ng rehistro ni Aga onscreen because he looks eternally young. Hindi nabago ng panahon ang boyish look niya kaya naman kahit sa mga young actresses ay pwede siyang i-pair. Aside from his good looks, Aga has turned into one of the country’s best and bankable actors. From starring in teeny-bopper films, he is now one of the most sought-after lead actors dahil sa kanyang galing sa pag-arte mapa-comedy man o drama at mapa-telebisyon man o pelikula. He made us laugh in his past comedy shows on ABS-CBN like Oki Doki Doc, Da Body en da Guard, Da Pilya en da Pilot, OK Fine Whatever and That’s My Doc.
At sino ba naman ang hindi matatawa kay Aileen with her hilarious antics that only she can pull off? That’s why she is dubbed the country’s Comedy Concert Queen, Tanging Ina and Comedy Box-Office Queen. In my almost 20 years in showbiz, isa si Aileen sa mga artistang hindi ko man kadugo pero kung ituring ko ay higit pa sa isang kaibigan. Ang dami na naming sinuong na laban ni Aileen. May panalo, may talo. Pero kahit nadarapa ay nananatili pa rin kami ngayong nakatayo, nakangiti at nakatawa dahil sa bawat laban ay may natututunan kaming magandang aral. Hanggang ngayon, andyan pa rin siya, kaibigan at bahagi ng aking buhay.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda