ANG ASAWA ko po ay nagtatrabaho sa isang maliit na bansa sa Pasipiko. Kamakailan ay na-balitaan niya na siya ay malapit nang tanggalin sa trabaho. Kinonsulta niya ang ilang kakilala niyang abogado roon at nag-research siya sa internet pero wala siyang makitang batas doon tungkol sa termination sa trabaho. Paano po ‘yan? Anong batas ang susundin para sa termination niya?—Yolly ng Cavinti, Laguna
KUNG WALANG batas na umiiral doon tungkol sa termination ng isang manggagawa, ang labor code ng Pilipinas ang susundin ng employer. Dito sa Pilipinas ay may due process na sinusunod sa pagtatanggal ng manggagawa. Narito ang ilan sa mga hakbang na dapat munang gawin para maalis ang isang worker: 1) Dapat ay may dahilan sa pagtanggal. Ang tawag dito ay just cause o authorized cause; 2) Dapat ay may ipadalang notice sa empleyado na humihingi ng paliwanag sa kanya kung bakit nagawa niya ang paglabag sa mga regulasyon ng kumpanya; 3) Dapat ay idaos ang isang kumperensya o hearing para dinggin ang magkabilang panig; 4) Ang huling sulat na ipapadala sa empleyado ay nagsasaad na siya ay tinatanggal na.
LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo