Pagtulong ni Angel Locsin sa Mindanao, pinagdududahan?

RK Villacorta

KALOKA naman kasi na ang sincerity mo na makatulong sa kapwa mo na ginagawa mo naman noon pa man ay isyu para sa ilan na walang magawa na nag-aabang lang ng mapupuna sa kanilang kapwa.

Sa totoo lang, hindi porke’t tumulong ka, mabait ka na tulad ng opinion ng ilan. Sa tingin ko ay hindi lang ito ang batayan. Titingnan mo din kasi kung promo ng pelikula o bagong television show kung kaya nagpapaandar si aktres o aktor.

Angel Locsin in Mindanao

Ang nakakaloka, may photo-op naman kasi na habang namamahagi siya ng mga relief goods na ang ganda ng angle at ni isang patak ng pawis ay wala makita sa mukha niya na may effort. Forget this story. Walang saysay ito na alam mo isa lang naman palabas at positive imaging ng celebrity.

Ang nakakaloka ay ang reaction ng mga walang magawa sa social media na sinisipat ang ginagawang tulong ng tunay na mabait sa kanyang kapwa na si Angel Locsin nang sinalanta ng lindol ang ilang bahagi ng Mindanao recently.

Sabi ng mga bashers, pakitang tao lang daw ang ginagawa ng aktres gayon ang picture na nakita sa kanya sa social media ay nag-grocery ito kasama ang fiancée na si Neil Arce ay tipong stolen shot from a netizen na kasabayan ni Angel sa loob ng tindahan.

Kung seseryosohin mo ang mga bashers ay maloloka ka. Mabuti na lang ang aktres deadma lang. Hindi na bago kasi ang pangiintriga sa kanya. Bakit ng ba naman siya magre-react kung hindi totoo?

Sa mga bashers niya, matagal na po tumutulong si Angel minus the media coverage mula sa kampo niya.

Kung may nakikita man na mga social media postings ang tulong niya, ito’y mula sa mga tunay na saksi sa kagandahang loob ng aktres. Kadalasan nga ay walang kaayos-ayos si Angel habang ginagawa ang kanyang pagtulong.

Sa katunayan, isa siya sa unang nagresponde sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda, giyera sa Marawi at kung saan -saan pa. Kung alam n’yo lang ang dinaanang karanasan ng aktres para maging matibay siya at maintindihan ang tunay na sitwasyon ng ating bansa at ng kapwa niya, susuungin niya ang panganib tulad sa minsan pinasok niya ang komunidad ng mga Lumads sa Mindano na off-limits sa mga civilians para tumulong na ilang mga military check-points ang dinaanan niya na itiago siya sa sahig ng sasakyan na tinakpan lang ng plastic at mga kargamento sa ibabaw para hindi siya makita.

Angel Locsin

Ang adbokasiya na “Bigas Hindi Bala” a couple of years ago sa mga magsasaka sa Mindanao na pinagbabaril sa isang rally dahil gutom na sila, si Angel ang nanguna sa mga celebrities na tumugon.

Bilib kami kay Angel. Mula noon, hanggang ngayon ay hindi siya binago ng panahon na ang mga karanasan niya ay nakakatulong sa kanyang para mas mapagtibay niya ang kanyang ginagawa.

Basta ako, malaki ang tiwala ko sa aktres. Mabuhay ka!

Previous articleShow Producer Jobert Sucaldito, nagsalita na sa pagwo-walkout ni Morisette Amon!
Next articleAGA MUHLACH AT ALICE DIXSON, WAGI SA PELIKULANG NUUK

No posts to display