Pagyuko ng Kawayan

SI TATANG Martin Guerrero ay pumanaw sa edad na 79 nu’ng 2001. Biktima ng cardiac arrest dahil sa paninigarilyo. Naging matagal ko siyang kaibigan ngunit kailan ko lang nalaman ang kanyang pagpanaw.

Nagtagpo ang landas namin ni Tatang Martin nu’ng 1992 sa opis ni dating Vice President Erap. Siya si Ike, abang mediaman natin, wika ni Erap. Sabay kumislap ang aming nagtagpong mata na naghudyat ng ‘sang ‘di makakalimutang pagkakaibigan.

Si Tatang Martin ang all-around man at confidante noon ng bise-presidente simula pa nu’ng huli ay nasa pinilakang tabing, alkalde at senador. Payating katawan, malalim na mata at maputing buhok. Addicted sa kape at sigarilyo. Ngunit mas addicted siya sa kanyang trabaho.

Ganyan si Tatang Martin. Napapagod ‘pag walang nagagawa. Super loyal at honest. Kaiba. Minsan nabanggit sa akin ni Erap habang kami’y nagkakape.

Bukod pa sa ibang gawain, si Tatang Martin ang nag-aasikaso ng Public Assistance Unit. Araw-araw, dagsa ang mga dukhang humihingi ng tulong. At mga ito, buong pagmamahal at pagmamalasakit na pinag-lilingkuran niya.

Pagkatapos ng isang nakapapagod na hapon, tawag siya. For the road tayo, Panginoon. Panghugas sa paa ni Erap. Pabirong anyaya niya. Tinutukoy ay Fundador Brandy. One for the road ay matutuloy sa 12 for the road. Usapan. Biruan. Halakhakan. Hanggang sa pusod ng gabi.

Minsan nakita ko siyang nakapila sa pagpasok sa PICC opis namin. Bago ang guwardiya, kaya ‘di siya kilala. Boss, ‘di ba n’yo kilala si Tatang Martin? Papasukin agad siya. Bulyaw ko ngunit sumagot si Tatang Martin. Yaan mo, ginagawa lang nila ang trabaho. Dito na ako sa pila.

Isang gabi napadpad ang usapan namin kung saang-saang paksa. Wika niya: Tao dapat tumulad sa kawayan. Habang tumataas lalong yumuyuko. Ibig sabihin ‘pag nasa kapangyarihan tayo, ‘di dapat yumabang o maging palalo. Yumuko sa mga maliliit na dapat paglingkuran.

‘Di ko masyadong naintindihan ito. At matalinghaga. At bukod pa dito, masarap ang dating ng Fundador sa lalamunan.

Ngunit ngayon, wari ko’y alam ko na ang ibig niyang sabihin. Ang kababaang loob ang siyang magpapataas sa uri ng isang tao. ‘Di kayamanan o kapangyarihan. Na pansamantala lang. See you, Tatang Martin.

SAMUT-SAMOT

 

WALA NANG balita sa massive manhunt laban kay Gen. Jovito Palparan. Kung anu-anong espekulasyon ang nababalita sa kanyang pinagtataguan. Inutil ba ang ating awtoridad? Kahit may reward money, wala pa ring breakthrough. Makakabuti kay Palparan na sumuko na. Makakaasa siya ng isang fair trial. Flight means guilt.

PARANG KISLAP-MATA ang first quarter. Abril na. Semana Santa. Panahon ng pagtitika. Pag-alala sa Kalbaryo ng Panginoon. Subalit nakakalungkot na ang panahon ay ginugugol ng marami sa excursion, outing at trips abroad. Naglaho na rin ang tradisyon, ang pagbabasa ng Pasyon. Iba na ikot ng ating kaugalian. Masyadong materyal. Ang espiritwal ay maskara lang. Tila nasa siglo tayo ng Sodom at Gomorrah. ‘Wag na-ting pilitin ang kamay ng Maykapal.

WARM SAND, white beaches at multi-million dollar mansions notwithstanding, Miami has captured the dubious distinction of being the most miserable city in the U.S. The playground of the rich and famous is home to a crippling housing crisis, has one of the highest crime rates in the country. Miami has sun, a beautiful weather but other things make people miserable. You have the two-level society: glitzy south beaches attract celebrities but the income inequality has escalated in recent years.

FOUR MILLION tourists? Mukhang nangangarap si DOT Sec. Mon Jimenez. Napakalabo. Sunud-sunod na kidnapping sa Mindanao at ‘di pa maayos na tourism infrastructure na basehan ng ating pessimism. Seryoso ba talaga ang pamahalaan sa pagpapaunlad ng tourism? Sa Thailand, ang tourism ay year-round boom. Ganito rin sa Singapore, Taiwan, at kahit Indonesia. Dahilan: ningas-kugon mentality ang ating sakit, walang follow-through sa mga impact projects. Poor Pinoy.

MUKHANG NAGBABAGO ang isip ni dating Pangulong Erap sa pagtakbo bilang alkalde ng Maynila. Nabanggit niya sa akin kamakailan. Iniisip-isip ko pa. Malalim na pag-iisip at konsultasyon. Matanda na rin ako. At narating na ang dapat marating. ‘Di ako kumibo.

SA TOTOO lang, natutuwa ako sa development na ‘to. Kung sa mananalo, mananalo si Erap. Ngunit may dapat pa ba siyang patunayan? Sa palagay ko, tama ang pag-iisip-isip niya. Igugol na lang niya ang panahon sa mga advocacy niya sa mahihirap. Lahat na ibinigay sa kanya ng Maykapal. Panahon na for payback. He has lived a very legendary and colorful life. Nothing more to ask for.

GOOD NEWS that former Senator Rene Saguisag is back in the news. Apparently, he is for the conviction of Chief Justice Corona for reasons that he has publicly explained. I like this former senator. Very self-effacing and humble. At very spiritual. Nu’ng ako’y nakatira pa sa Dian, Makati, lagi kaming magkasama sa 5:00 PM daily Mass. Hawak ang rosaryo, du’n siya sa may rectory at laging taimtim na nagdarasal. ‘Di pa noon pumapanaw ang kanyang mahal na kabiyak, si Dulce. Nung ako’y spokesman pa ni Pangalawang Pangulo Doy Laurel, nagkaroon kami ng konting alitan. Nagpalitan kami ng maaanghang na salita sa media tungkol sa isyu ng Westinghouse. Tumagal ng dalawang buwan ang media war namin hanggang may namagitan. Pagkatapos, nagbalik ang dati naming pakikipag-kaibigan.

WALA NAMANG ginagawa sa akin ang defense spokesperson Karen Jimeno sa impeachment trial, subalit bakit ako tila antipatika sa kanya? May mga taong ganyan ang dating. Karen, sorry.

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articleIniuwi sa Bahay ang Babae ng Asawa
Next articleTrigger happy si PO1 and company?

No posts to display