SEMI-FINALS NA nga ang nagaganap ngayon sa UAAP Season 77 Men’s Basketball Tournament kung saan nagharap-harap na ang Final Four, ang Ateneo De Manila University na nakakuha ng unang puwesto sa elimination round na may 11 na panalo at isang talo at nakakuha ng twice to beat advantage at sumunod naman ang Far Eastern University na nakakuha rin ng twice to beat advantage laban sa De La Salle University dahil nagtabla sa elimination round ang dalawang nasabing eskuwelahan na may sampung panalo at apat na talo at sumunod ay ang National University na may siyam na panalo at limang talo.
Nagharap na ang Ateneo De Manila University at National University sa kanilang unang laban sa semi-finals noong September 24, 2014 kung saan ay tinalo ng Bulldogs ang Blue Eagles sa score na 78-74. ‘Ika nga ng coach ng National University na si Coach Eric Altamirano na nape-pressure sila kapag pinagkukumpara ang no. 1 team, ang Blue Eagles, sa kanila, ang Bulldogs, bilang sa pang no.4 na puwesto pero hindi na nila ito inisip at nagpursigi pa sila lalo at binigay ang kanilang bawat best para sa game na ito. Muling maghaharap ang Bulldogs at Blue Eagles sa unang araw ng Oktubre, Miyerkules, at kung sino ang manalo ay siyang mag-a-advance para sa Finals.
Matapos ang game ng Blue Eagles at Bulldogs ay nagharap na rin para sa semi-finals ng UAAP Season 77 Men’s Basketball ang Far Eastern University at ang defending champion, ang De La Salle University noong September 27, 2014. Ang Tamaraws ang nakakuha ng twice to beat advantage pero sa game na iyon ay hindi hinayaan ng Green Archers na makuha ang titulo sa kanila. Ang Green Archers ang nanalo kontra sa Tamaraws sa score na 94-73.
Sa game na ito ay lumakas pa lalo ang teamwork ng team at bumawi pa nang sobra lalo na ang forward ng DLSU na si Jeron Teng, kung saan ay hindi ganoong maganda ang laro niya ayon sa kanya noong tie-breaker game nila laban din sa mga Tamaraws kung saan ang manalo ay makakakuha ng twice to beat advantage ngunit nabigo silang makuha iyon. Pero ‘ika nga ni Jeron Teng “We really had to bounce back,” at kitang-kita naman na talagang nagpursigi sila sa game na iyon dahil hindi nila hinayaang makuha ang titulo nila bilang champion noong UAAP season 76 Men’s Basketball.
Sa panalo ng Green Archers sa laban sa Tamaraw ay mahaharap muli sila para sa isang “do or die” game kung saan ang mananalo sa game na iyon na gaganapin sa October 1, 2014 ay mag-a-advance sa Finals at kasabay rin sa araw na iyon ay laban ng National University at Ateneo De Manila University at kung sino manalo sa dalawang team na iyon ay siyang mag-a-advance para sa Finals.
Painit nang painit na talaga ang laban at ang malaking tanong ngayon ay sinu-sino ang maghaharap para sa Finals, at sino ang tatanghaling champion sa season na ito?
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo