NA-MEET KO ang dalawang nang-agaw sa akin ng pansin. Sila ang tambalang komikero at acting and vice impersonator. Sila ay sina Roy dela Cruz na tila hawig at ginagaya ang boses ng pamosong komedyante na si Babalu at Erap; at si Elmer naman na ginagaya naman ang Da King na si Fernando Poe, Jr.
Kailan kayo tinawag na Pakyaw Duo? “Ah, simula lamang po nang kami ay kumanta ng tungkol kay Paquiao. Lahat ng video namin, nilagay namin sa YouTube, eh.”
Hanggang ngayon wala pa bang naka-discover sa inyo na maging artista sa pelikula? “Ah wala pa. As recording artists pa lang.”
Pero kaya rin ninyong umarte? “Ah, oo… mahilig kami riyan. Ah, dati meron kaming naudlot na pelikula, kami sana ang kukuning bida. Namatay ‘yung director, eh. Alam mo sana kung ano ‘yung title ng pelikula? ‘Kabaong For Sale: Buy One Take One’. Comedy horror ‘yun. Ang ganda ng istorya nu’n. Ah, kung gusto mong makita ‘yung music video ay nasa YouTube, ang dami nang viewers.”
“Eh, ang istorya nun, nag-aalok kami ng mga ataol sa bahay-bahay. Saan ka nakakita noon, ‘noh? Ang gumawa po talaga ng script ng pelikula namin dapat sana ay si Diego na writer ni Erap. Nagustuhan niya itong istorya na ito. Sabi niya ang ganda nito, gagawa raw siya ng script. Wala lang producer pa.”
Ayon kay Roy, “Ako composer talaga ako. Ah, bukod sa kami rin ang nagko-compose ng aming album, kami rin ang kumakanta. ‘Yun naman ang trabaho namin. Sa media, nag-iiba kami ng boses, nag-i-impersonate sa mga shows namin.”
Ah, kayong dalawa, paano naman kayo nagkasundo? “Ah ‘yun talaga ang trabaho naming dalawa dahil magkasama kami palagi.”
Pero okey naman, nagaod naman kayo? “Ah, oo. ‘Di lang kami magka-anak.” Sagot ni Elmer, “Paano naman tayo magkaka-anak eh, baog ka!”
Ang Pakyaw Duo ay mayroon ding mga kanta na tungkol sa pork barrel at tungkol sa mga rally-rally.
Sa kainitan ng interbyu, biglang nagboses FPJ si Elmer at nagsabi, “Ano, mag-papainterbyu ba tayo o kakain na tayo! (Kunware naiinis.) “Masaya akong kasama ko ang partner ko na si Erap (sabay turo sa kasama).”
Sabay nagboses Erap naman si Roy, “Ah, salamat sa pag-introduce mo. Bilang Mayor ng Maynila, ‘pag ikaw ay nasa Maynila, sagot ko lahat!”
Elmer alyas FPJ: “Ah talagang sagot mo, ha?”
Roy alyas Babalu: “Ang kulit mo ini-interbyu tayo, singit ka ng singit, ha!”
Eh, may mga asawa na kayo? “Ah isa pa lang po.”
Eh, paano yung isa? “Ah, dati na ‘yun, eh.”
Ah, ilan ang anak n’yo?
Roy: “Tatlo lang. Si Elmer labing-tatlo. Kasi, lalaking kaladkarin siya dati, eh.”
Elmer: “‘Wag kang magulo iniinterbyu tayo sa showbiz!”
Roy: “Kapal ng mukha mo, showbiz-showbiz ka pa, eh, mukha ka namang zombies.” (Mga punchline nila.)
Paano kayo nagkikitang dalawa? Naga-eyeball ba kayo, nagte-text ba kayo?
Roy: Eh, tiningnan lang ako nito kaya kami nagkita.”
Eh, sino ang nakadamit ng babae sa inyong dalawa?
Elmer: “Siya!” (sabay turo kay Roy)
Roy: Kung hindi ko pa alam eh, dati kang kargador sa kanto.” (Patawa pa ng dalawa.)
Parehas na solo performer ang Pakyaw Duo bago sila nagsimula sa kanilang tambalan. Tubong Bulacan si Elmer samantalang si Roy ay dati raw galing sa sinasabing maduduming trabaho tulad ng bote’t dyaryo, naghahakot ng mga basura ng mga kapitbahay, nagdadamo at sanay sa hirap dahil siya ay naulila.
Nagdadamo ka Roy? “Ah, hindi… naghahawan ng damo, hehehe!”
Sana maging succesful ang kanilang career bilang mga komedyante sa larangan ng pelikula at telebisyon.
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: [email protected]
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia