WINNER NA WINNER si Kris Bernal sa kanyang pagganap sa bagong version ng Impostora. Kung ten years ago ay sina Sunshine Dizon at Iza Calzado ang nagtulungan para sa nakakalokang istoryang ito, this time ay tanging si Kris Bernal ang bida at kontrabida as Nimfa and Rosette.
Matagal-tagal din bago nabigyan ulit ng solo show ang dalaga. Huli siyang napanood sa Little Nanay bilang Tinay, isang dalagang ina na may kapansanan. Magaling ang kanyang performance sa show at very challenging, pero inisnub ng mga award-giving bodies. We wonder why? Hmmm..
Anyway, masaya kami para kay Kris Bernal dahil sa wakas ay nabiyayaan na ito ng competent leading men na tinutulungan siya na lalo pang galingan ang pag-arte. Kahit pa mas kilala si Ryan Eigenmann na for playing daddy roles, nakakabigla na may ‘deadly’ chemistry ito with Kris, whether she is portraying Nimfa or Rosette. Hot naman ang sa kanila ni Rafael Rosell, na pasilip pa lang sa trailer ay naglalagablab na, huh!
Sa first three episodes pa lang ay litaw na ang kakayanan ni Kris sa pag-arte. Maganda rin ang pacing ng istorya – hindi mabagal at sakto lang ang pag-unfold ng mga kaganapan. Okay rin ang mga napili nilang supporting casts like Elizabeth Oropesa, James Blanco, Vaness del Moral na masarap sabunutan, Aicelle Santos at Sinon ‘Rogelia’ Loresca, na bet na bet namin ang kanyang realistic na beki bestfriend from the block role. Hek-hek-hek!
Maganda na ulit ang line-up ng GMA Afternoon Prime. Medyo nakakairita kasi ang nakakabinging bangayan ng Legally Blind. Naging OA din ang ‘D Originals na okay sana ang simula.
Looking forward na rin kami sa Haplos nina Sanya Lopez at Thea Tolentino.
Naging advantage kay Kris Bernal ang paglayo nito kay Aljur Abrenica professionally. Ngayon ay naipapares na siya sa mga leading men that brings out the best actress in her. Naks. Happy lang! Hahaha!