DRAGON NA bumubuga ng tubig!
‘Yan, parekoy, ang kahalintulad ng National Telecommunications Commission o NTC.
Nagkunwari itong matapang! Walang takot ‘ika nga.
Kumbaga, hindi kayang duruin o suhulan ang NTC ng mga higanteng kumpanya ng telecommunications.
Mistulang dragon ang NTC na nagbigay ng order sa Smart, Globe at Sun Cellular na dapat ay ibaba ng mga ito sa 80 sentimos mula sa kasalukuyang piso ang singil sa bawat text message. Kaya naman, palakpak ang tainga ng taumbayan sa kautusang ito.
Kahit paano kasi, malaking bagay ang 20 sentimos na matitipid kada isang text. Dahil sa dami ng text messages na ibinabato ng bawat Pinoy araw-araw, aba eh, malaking bagay na ito!
Ang kaso, mistulang buwayang bingi naman itong telecommunication companies na Smart, Globe at Sun Cellular. Ang alam lang ay sumakmal at parang wala itong naririnig. Dedma ‘ika nga rito sa utos ng NTC.
Ang tanong… may nagawa ba ang NTC rito sa harap-harapang paglabag ng tatlong buwaya? Wala! Hak, hak, hak!
Samantalang noong una, mistulang dragon itong sumisingasing pa habang nagbibigay ng utos. ‘Yun pala nang hindi ito sinunod, aba eh, hindi naman apoy ang ibinuga. Tubig! Pwe!
Alam n’yo ba parekoy kung ano ang kanilang reaksyon sa katarantaduhan ng tatlong buwaya? Aba eh, nagbigay na kami ng order, nasa kanila na ‘yun kung hindi nila susundin!
Buwisit kayong mga tangna kayo! Sino ang gusto ninyong magpatupad ng inyong utos, kami?
Kung hindi rin lang ninyo kayang ipatupad ang inyong kautusan ay huwag na kayong magkunwaring astig na mga demonyo kayo!
Itikom n’yo na lang ‘yang mga bibig ninyo at lunukin nang buong-buo ang isinuhol sa inyo ng mga buwayang ‘yan!
P’we kayong lahat! Huh!
GULAT AKO, parekoy, sa ibinalita ng ating “tawiwit”.
Hindi na raw si Gen. Gil Meneses ang PNP Regional Director (RD) sa Region 4-A. Ito, parekoy, ang erya ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon o Calabarzon.
Ha! Kailan pa? Matagal na! ‘Yan ang sagot ng gagong tawiwit!
Nang uriratin ko, asus, hindi pa naman pala napapalitan si Gen. Meneses. ‘Yun nga lang, kung ang pag-uusapan ay ang lahat ng uri ng iligal sa nasabing erya, si Dan de Belen pala ang nasusunod as long na nagbibigay ang tabatsoy na ito ng weekly payola.
Kumbaga, si De Belen ang bahalang kumolekta kada linggo sa lahat ng gambling lord at kung magkano. Basta tuwing linggo ay ibigay lang niya kay Peralta ang para sa tanggapan ng RD.
‘Yan ang ibinulgar ng ating tawiwit.
Ha? Ano? Talaga? Totoo ba ito Gen Meneses?
Aba sir, malayo pa dapat ang mararating mo dahil sa ganda ng iyong performance. Pero kung totoo ang ulat na ito ay baka ‘yang sina Peralta at De Belen ang wawasak sa iyong career!
Bambuhin mo sila, sir! Kung talagang walang nakararating na weekly sa iyo!
Hak, hak, hak!
Makinig sa aking programang “ALARMA Kinse Trenta”, Lunes-Biyernes, 6-7 am, sa DZME 1530 kHz, at may “live stream” sa www.dzme1530.com. E-mail: [email protected]; call or text 09321688734.
Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303