PAMBIHIRA PERO KUWELA: ‘Woke Up Like This’ nina Vhong Navarro at Lovi Poe, palong palo!

Vhong Navarro and Lovi Poe

NASA Php 25 Million na raw ang kinita ng bagong comedy film ng Regal Films na ‘Woke Up Like This’ na pinagbibidahan nina Vhong Navarro at Lovi Poe. Ito ay sa kabila ng pag-ariba ng Pista ng Pelikulang Pilipino a week before. Worry ng ilan na baka dahil sa pagmu-movie marathon ng mga moviegoers ay wala na silang ganang bumili ng movie ticket para sa Woke Up Like This.

Sa totoo lang, hindi na bago ang kuwentong palitan ng katawan at personalidad ng dalawang tao sa comedy film lalo na sa Hollywood. Ang maganda rito sa Woke Up Like This ay ang magandang pagganap nina Vhong Navarro at Lovi Poe. Swak na swak din ang mga supporting cast particularly Bayani Agbayani na namiss din namin na mapanood na magpatawa sa big screen. It’s been a while! This proves na working pa rin ang brand of comedy nila. Si Joey Marquez din ay ‘tsong na tsong’ ang aura. Nakakamiss tuloy ang mga sitcoms niya noon sa GMA-7.

Alam naman natin lahat na panalo talaga si Vhong Navarro pagdating sa comedy. Matagal-tagal na rin siyang di nabigyan ng solid na pelikula. Halata ang conscious effort nito na hindi maging ‘bading’ ang acting niya sa pagportray ng role as Sabrina, na very kikay at matapobreng model.

Biggest surprise sa lahat si Lovi Poe na palong palo ang transformation from Sabrina to Nando. Nakakaloka at super laughtrip ang eksenang pag-audition niya as Nando for a TVC campaign at ang simpleng ‘fight scene’ nito sa isang restaurant, na nagpaka-FPJ ang ate niyo. Anak ka talaga ni Da King!

Gusto rin namin ang pagka-OA ng pagiging atribida ni Dionne Monsanto. We want more!May chemistry din sila ni Cora Waddell na kung trip ng Regal ay puwede nilang gawan ng lesbian film. Bakit hindi?

Vhong Navarro and Lovi Poe in ‘Woke Up Like This’

Matagumpay ang unang pagsabak ng direktor na si Joel Ferrer (Hello, World and Baka, Siguro, Yata) sa mainstream. Matagal na rin natin hindi napanood ang brand of comedy na mula sa perspective ng barako.

Nakakatouch din ang cameo ng ilang kasamahan ni Vhong sa It’s Showtime. Napaka-supportive nila!

Anyway, sana thru this movie ay magtuloy-tuloy na ulit ang once a year release ni Vhong ng comedy film at magtuloy-tuloy sana ang paggawa ni Lovi ng comedy films. Naalala namin ang kanyang karakter bilang Serafina sa remake ng Temptation Island, ang pelikula kung saan nag-umpisang umusbong ang kanyang showbiz career.

Congratulations Regal Films for another bonggang movie!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

Previous articleKahit Cum Laude graduate: Myrtle Sarrosa, patuloy ang pagbongga ng showbiz career!
Next articleSylvia Sanchez, ratsada sa pagbabalik trabaho

No posts to display