Pambihirang senado at sugal ni Aging Lisan

ANUMANG ARAW MULA ngayon, posibleng magsampa ng kasong plunder ang Senado laban kay dating FG Mike Arroyo at sa ilang kasabwat sa anomalya sa pagbili noon ng helikopter.

Matatandaan, parekoy, na kamakailan lamang ay nagsagawa ang Blue Ribbon Committee ng senado ng mga pagdinig sa nasabing anomalya. Maraming indibidwal ang kanilang pinatawag at iginisa.

May babae pa ngang ikinulong sila dahil nagsisinungaling raw!

Makapangyarihan, parekoy, ang nasabing mga pagdinig ng Senado. Dahil arestado ang ayaw sumipot!

Huh, ‘yan, parekoy ay dahilan sa napaka-importanteng pagdinig nila. Na in aide of legislation daw!

Kaya naman sa mga pagdinig ng Senado ay kaya nilang kunin ang anumang testimonya o ebidensiya na gusto nilang ipunin. Dahil gabay raw ito sa pagsasagawa nila ng batas!

Kaya nga sa paghahalungkat nila ng ebidensiya o testimonya ay daig pa nila ang DOJ, NBI, Ombudsman at anumang ahensiya ng gobyerno na naatasan ng batas para magsagawa ng imbestigasyon.

Sa Senado kasi, hindi ka maaaring magsinunga-ling at hindi ka maaaring manahimik ayon sa iyong constitutional right to remain silent!

Kaya naman sa tingin natin, dapat na talagang baguhin ang ating Saligang Batas. Para bigyan ang Senado ng prosecutorial function! Tutal eh, ayon sa mga kaganapan ay ginagawa na rin nila ito! At para makumpleto na nila sa pagganap ang tatlong sa-ngay ng gobyerno.

Sa ngayon kasi ay gumagawa (raw) sila ng batas. Kaya ang tawag sa kanila ay legislator.

At kapag may impeachment naman, sila ay hukom. Kaya nga tinatawag silang senator-judge.

At ‘pag tuluyan na nilang isinampa ang plunder case laban kay Mike Arroyo et al, sila naman ay tatawaging senator-prosecutor!

Yakkks! Ha-ha-ha, onli in da Pilipins!!!

PATULOY ANG OPERASYON ng iligal na sugal ni A-ging Lisan sa Pasay City at Olongapo City.

Ayon sa ating “tawiwit” masyado ring pinagpapala sina Mayor Antonio Calixto ng Pasay at Mayor Bong Gordon ng Olongapo!

PARA MAPAKINGGAN SA radio ang patas at walang takot na pagbabatikos sa mga masalimuot na isyu, inaanyayahan ko po kayong pakinggan ang aking programa sa DZME 1530 kHz AM (dulong-kanan ng talapihitan). Ang ALARMA Kinse Trenta ay inyong mapakikinggan tuwing Lunes-Biyernes, 6:00-7:00 ng umaga. Para sa inyong mga reklamo o sumbong, 0932-1688734.

Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303

Previous articlePiktyur-piktyur
Next articleGolden strand sa buhok ni sec. Dinky

No posts to display