Pamemeke ng Dokumento

Dear Atty. Acosta,

SUMULAT AKO sa inyo dahil nababasa ko ang inyong column sa Pinoy Parazzi at naisip ko na maaaring kayo po ang makasagot sa mga katanungan ko, at kayo na rin ang makapagsabi sa akin kung ano ang kahihinatnan ng kaso laban sa akin at kung talaga bang dapat akong isama sa mga sinampahan ng kaso.

May kapirasong lote na iniwan sa akin ang aking lola na isang matandang dalaga. Kapatid po siya ng lola ko sa ina. Ang loteng ito ay parte ng isang malaking

lote na dating pagmamay-ari ng aking mga lola. Naisangla po ng lola ko sa ina ang parte niya sa lote at hindi na ito natubos, kung kaya’t naging buo na ang pagmamay-ari ng kanyang napagsanglaan. May parte ng lupa na na-patituluhan na ng mag-asawang naging may-ari nito at may ilang parte ang hindi pa napapatituluhan, kasama na po ang parteng iniwan sa akin ng aking lola.

Isang araw ay niyaya ako ng anak ng may-ari ng lote na pa-tituluhan ang parteng wala pang titulo at isabay ko na raw ang pagpapatitulo ng aking parte. Dahil sa nais kong magkaroon ng titulo ay pumayag ako na magbayad ng halagang P26,000.00. Sila na raw ang maglalakad ng aking mga papeles. Pumirma lamang ako sa segregation of property at sa isang deed of sale, bilang saksi. Mula po nang ma-patituluhan ko ang lote ko ay nagbabayad ako ng amilyar.

Nalaman ko na lamang na nagsampa ng kasong falsification ang panganay na anak ng mag-asawang may-ari ng lupa laban sa kanyang mga kapatid. Isinama ako sa mga kinasuhan dahil saksi raw ako sa deed of sale at sa tingin niya ay naki-pagkuntsabahan ako sa kanyang mga kapatid. Pati ang pinsang-buo nila na kasama kong naging saksi sa nasabing deed of sale ay isinama nila sa mga kinasuhan. Na-dismiss po ang kaso ngunit ito ay inapela at kasalukuyang dinidinig sa hukuman.

Myrna V.

Dear Myrna,

SAPAGKAT ANG kasong falsification laban sa inyo ay kasalukuyan nang dinidinig sa hukuman, ma-kabubuti na kami ay hindi mag-ukol ng puna sa estado ng iyong kaso. Ito ay upang magbigay ng respeto sa hukuman na mayroong hawak ng inyong kaso. Nananalig kami na masusing pag-aaralan ng hukuman ang inyong kaso at mabibigyan ng hustisya ang nararapat mabigyan nito. Ngunit upang mabigyan ka at ang ating mga tagasubaybay ng kaalaman tungkol sa krimeng falsification, aming tatalakayin kung ano ang nakasaad sa ating batas.

Mayroong limang klase ng falsification at ito ay ang mga sumusunod: (1) falsification of legislative documents; (2) falsification of a document by a public officer, employee or notary public, (3) falsification of a public or official, or commercial document by a private individual, (4) falsification of a private document by any person, and (5) falsification of wireless, telegraph or telephone message. (page 199, The Revised Penal Code, Book Two by Luis B. Reyes)

Dahil sa hindi mo nabanggit sa iyong liham kung ano mismo ang kasong isinampa sa inyo, amin na lamang ipapalagay na ito ay falsification sa ilalim ng probisyon ng Artikulo 172 ng Revised Penal Code o ang falsification by private individuals and use of falsified documents. Ayon sa unang talata ng Artikulo 172, ang pagpapalsipika ay maaaring magawa ng isang pribadong indibidwal sa mga sumusunod na paraan: “1. Counterfeiting or imitating any handwriting, signature or rubric; 2. Causing it to appear that persons have participated in any act or proceeding when they did not in fact so participate; 3. Attributing to persons who have participated in an act or proceeding statements other than those in fact made by them; 4. Making untruthful statements in a narration of facts; 5. Altering true dates; 6. Making any alteration or intercalation in a genuine document which changes its meaning; 7. Issuing in an authenticated form a document purporting to be a copy of an original document when no such original exists, or including in such a copy a statement contrary to, or different from, that of the genuine original; or 8. Intercalating any instrument or note relative to the issuance thereof in a protocol, registry, or official book.” (Article 171, in relation to Article 172, Revised Penal Code) Sa parehong talata ng Artikulo 172 ay sinasabing may pananagutan ang sinumang magpapalsipika kung ito ay ginawa sa paraang nabanggit at ito ay na-ging sanhi ng pinsala o damage sa ibang tao, pati na rin ang paggamit ng palsipikadong dokumento.

Malinaw sa nasabing probisyon na ang krimeng ito ay ginagawa upang ibahin ang nilalaman na isang dokumeto o papeles, o kaya ay palabasin na may partisipasyon ang isang taong wala namang kinalaman dito, gayun din ang paggamit ng palsipikadong mga dokumento. Ang sino mang mapatunayang lumabag sa mga probisyong ito ay mayroong pananagutan sa ating batas. Ngunit kinakailangang mapatunayan muna ang akusasyon laban sa isang akusado bago siya maparusahan.

Pitik-bulag

Atorni First
By Atty. Persida Acosta

Previous articleKabigha-bighaning Kim
Next articleAng Toll Hike ni Kap!

No posts to display