0905311xxxx – Idol, ire-reklamo ko lang po sa inyo ang pamemera ng NBI Pampanga. Lahat kasi ng nag-apply noong July 4 ng clearance ay sa September 30 pa raw ang release. Kung hindi raw kami willing maghintay ay mag-apply kami ng panibago at magbayad ulit ng P115. Ang tanong ko po sa kanila ay saan napunta ang naunang ibinayad na P115 at wala silang maisagot. Sana po ay maimbestigahan ninyo ito, Salamat po.
0932437xxxx – Sir Raffy, isusumbong ko lang po sa inyo ang isang barangay chairman dito sa may Sta. Rosa, Nueva Ecija dahil iyong patrol ng barangay ay ginagamit niyang service sa kanyang negosyo. Sana po ay maaksyunan ninyo ito. Salamat po.
0935154xxxx – Sir, isa po ako sa mga concerned citizen ng Mercedes, Eastern Samar, ang pinakamaliit na bayan sa Eastern Samar. Humihingi po kami ng tulong sa inyo upang makalampag ang mga kinauukulan tungkol sa aming problema. Gusto po sana naming magkaroon ng ambulansiya ang aming lugar dahil wala po kasing magamit na ambulansiya ang aming bayan kapag emergency. Ang pinakamalapit na ospital sa amin, aabot sa 160 kilometers ang layo kaya problema po namin ang ambulansiyang masasakyan. Ang ibang pasyente ay namamatay na lang dahil sa walang sasakyan at ‘di na nakaabot sa ospital. Sana po ay matugunan ninyo ang aming problema. Maraming salamat po.
0923462xxxx – Sir Raffy, isa po akong concerned citizen at gusto ko po sanang makalampag ninyo ang mga kinauukulan at paiimbestigahan ang mga empleyado sa Registry of Deeds sa kadahilanang bastos silang makiharap sa mga tao. Hindi po ba ay sa gobyerno sila nagtatrabaho at taumbayan ang nagpapasuweldo sa kanila? Sana man lang po ay maayos nilang tratuhin at asikasuhin ang mga taong nagpupunta sa opisina nila.
0927392xxxx – Idol, isa po ako sa mga matagal nang tagasubaybay ng inyong programa at nais ko pong ireklamo sa inyo ang mga pulis na nango-ngolorum na biyaheng Sucat – Lawton.
0923714xxxx – Sir, itatanong ko lang po kung may karapatan po bang mag-check point ang mga MMDA na parang mga pulis? Pinapara at pinabubuksan po kasi nila ang mga bintana at sinisilip ang loob ng sasakyan doon sa ilalim ng Pasay-Rotonda. May karapatan pa silang gawin iyon? Salamat po.
Abangan ang isa na namang bakbakang episode ng WANTED sa TV5 mamayang gabi pagkatapos ng Aksyon Journalismo (late night news).
Ang WANTED SA RADYO ay mapapakinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay kasabay na mapapanood sa Aksyon TV sa Channel 41. Sa Cebu at Davao ang Aksyon TV ay mapapanood sa Channel 29. Sa Cignal Cable ang Aksyon TV ay mapapanood sa Channel 1, Channel 7 sa Destiny at Channel 59 naman sa Sky Cable.
Para sa inyong mga sumbong mag-text sa 0917-7-WANTED o 0908-87-TULFO.
Shooting Range
Raffy Tulfo