Pamilya Barrameda, nababagalan sa pag-usad ng kaso sa pagpatay kay Ruby Rose

NGAYONG MIYERKULES, GINUGUNITA ang All Souls’ Day, ang araw na kung tutuusi’y nakalaan dapat para sa mga yumao nating mahal sa buhay.

Para sa pamilya Barrameda, hindi lang ito ang petsang dapat gunitain para sa alaala ng pinaslang na si Ruby Rose Jimenez. Matatahimik lang kasi ang kanilang kalooban kapag napasakamay na nila ang katarungan, na ilang taon na rin naman nilang hinahanap.

Magdedeposito lang daw sa banko noong March 14, 2007 at pagkatapos ay dadalawin ang mga anak na nasa pangangalaga ng kanyang asawa, but that fateful day saw Ruby Rose’s total disappearance. June 10, 2009 nang ipatawag ang mga kaanak ni Ruby Rose sa PNP Crime Laboratory makaraang may matagpuang bangkay na isinilid muna sa isang steel container bago isinemento ang drum na pinagsidlan din nito.

Positibong kinilala ni Rochelle ang bangkay as her younger sister’s in a later forensic procedure, base na rin sa dental records nito. Hindi pa man nailalagak ang mga labi ng kapatid ay idinulog na ng pamilya sa DoJ ang kaso, tagging in their charge sheet the Jimenez family most specially Ruby Rose’s estranged husband Manny III.

Kabilang din sa mga suspek ang ngayo’y star witness, who’s on the side of the beleaguered Barramedas, na si Manuel Montero na umaming isa siya umano sa mga nagsilid sa biktima sa steel drum. Sa nakaraang hearing nitong October 25, 2001 sa Camp Bagong Diwa, Montero tagged a certain Leonard “Spyke” Descalzo as having killed Ruby Rose.

Bagama’t pakiramdam ng mga Barrameda, they have a strong case against the perpetrators (after Montero turned up against the Jimenezes) ay nababagalan sila sa pag-usad ng kaso. Sa December 12 at 19 pa kasi ang susunod na pagdinig.  Alongside what the Barrameda family feels is a snail-paced court procedure ay ang kawalan na rin daw nito ng financial resources to continuously be up on its toes.

“Umuusad naman po pero talaga pong sobrang bagal… three months bago ulit nasundan ‘yung hearing,” sabi ni Rochelle sa Startalk TX. Pinanatag naman ng abogado ng mga Barrameda ang kalooban ng mga ito, ani Atty. Franklin Suna: “I think the interest of the (presiding) judge is to finish it as soon as possible.”

Kaya dasal ni Rochelle, along with her firm belief na maaasahan nila si Montero ay maging parehas ang batas. If only for this hope, Rochelle believes that her fight for justice will not just be in vain, tiyak na ikasasaya rin ito ni Ruby Rose sa mismong araw ng pag-alala sa kanyang mga kapwa namaalam sa mundo.

BLIND ITEM: HINDI namin tiyak kung ilang sasakyan mayroon ang showbiz couple na ito, all that we know ay wala na ang mga ito sa garahe ng kanilang tahanan.

Nope, hindi na-carnap ang mga ‘yon, nor were they pulled by the financing company due to delinquent loan payments.

May kung ano kasing trip si misis sa tuwing sinasapian ng topak, mga sasakyan nilang nananahimik sa garahe ang madalas daw niyang pagdiskitahan. Kuwento ng kasamabahay ng mag-asawa, “Naku, nakakaloka ‘yang si ma’am pag tinotopak, imagine, nandu’ng ginuguhitan niya ‘yung mga kotse, hinahampas niya ng matigas na bagay, basta kung ano na lang ang maisip niyang gawin, ‘yung mga nakaparadang kotse nila ang pinagtitripan niya!”

Ang ending: para na lang umabot pa sa posibleng total destruction ang mga naipundar na sasakyan ng mag-asawa, isang araw ay nagdesisyon ang mister nito.  Kaagad na niyang inilipat ng garahe ang mga kotseng ‘yon, kaya ang noo’y parking space ng mga mamahalin nilang sasakyan ay mala-disyerto na ngayon.

Wala nga lang camel…camel daw, o!

 
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleRam Revilla, naglaho na ang planong maging vice mayor!
Next articleRichard Gomez, kapamilya na, kapatid pa!

No posts to display