OLA CHIKKA na naman tayo to the maximum authority of chikka!
Mabubuwang ka talaga sa Earth sa takbo ng pulitika ngayon. Mas pinapaburan pa nila ang pera kaysa plataporma de gobyerno ng mga kandidato.
Ihalintulad na lang natin sa Pamilyang Pacquiao. Utang na loob! Kaya naman daw walang lumaban kay Manny, kasi walang pera na katulad ni Manny na million-million ang pakakawalang pera sa kanilang dalawa ni Jinkee. Kaya lang, dahil sa walang kalaban si Manny, si Jinkee na lang daw ang mamumudmod ng datung.
Kaya lang, nu’ng napanood ng ilan nating mga kababayan ang ulat sa ANC tungkol sa Kampanya-Serye ng mga Pacquiao sa GenSan at Sarangani at kalapit na probinsiya, naloka raw sila sa mga OPM, as in, Oh, Promise Me! ni Manny sa kanyang mga kababayan na walang isang natupad. Kasi nga, walang gustong lumaban sa mga Pacquiao, lalo na kay Manny, dahil ATM talaga ang tingin nila kay Manny as in datung dats pluk, in short, pera.
Kaya kung walang pera talaga ang makakalaban ni Manny kahit na siya ay talagang karapat-dapat sa puwesto ‘wag nang tumuloy, kasi sa kangkungan lang pupulutin.
Ang nakakaloka pa raw sa mga Pacquiao, halos lahat na sila, pumalaot na sa pulitika, kahit asawa, bayaw, hipag , nanay, basta Pacquiao, talagang gusto na nilang pakyawin ang kanilang probinsiya, na puro na lang Pacquiao ang nakaupo. Ito ang tunay na political dynasty. Kasi pati ang pagiging kapitan ng barangay, hala sige.
Pero tanungin mo kung ano ang mga nagawa ng mga Pacquiao o magagawa? Wala, as in, nganga. Nang maka-panayam nga ng ANC ang ilang kababayan ng mga Pacquiao, ‘yung ipina-ngako na hospital ni Manny kapag nanalo siya na maging congressman, eh kahit isang bato wala naman daw. Pangako na napako. At everytime daw na pinupuntahan itong mga Pacquiao para interbyuhin ng mainstream media, laging wala at sinasabi raw na sobrang busy.
Kaya nga sabi ng mga gustong kumalaban kay Manny, paano magkakaroon ng katarungan ang kanilang probinsiya kung ang pinapairal pera? At pagkatapos naman ng halalan, ayan wala nang pakialam sa kanilang constituents. Ibig sabihin na pera na lang talaga ang labanan ngayon sa pulitika.
Pero ito lang po ang masasabi ko sa darating na botohan sa May 13, ilagay sa bulsa ang pera, tuldukan ang kursunada. Kasi ang perang ibinigay sa inyo, isang linggong kaligayahan lang ang matatamo n’yo d’yan. Samantalang kung ang karapat-dapat na kandidato ang inyong pipiliin, tatlo o anim na taon kayong liligaya sa piling nila. Kaya mag-isip-isip kayo, ‘yun lang!
PITIK-BULAG: SINO itong young actress na may angelic face ang sobrang nalululong na raw sa alak?
Kasi nga naman dati, ang BF nito, walang bisyo. Nu’ng nagkahiwalay sila, nakatagpo si young actress ng katapat niya. Kasi ang kanyang BF ngayon ay kaparehas niyang laklakera, in short, it takes one to know one.
Kaya gabi-gabi raw lango ang dalawang hitad sa iba’t ibang bar na kanilang pinupuntahan. At take note, ‘pag nalalasing ang dalawa, minsan natutulog na lang sa bar.
Kaloka! D’yan na nga kayo!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding