Pamimirata sa TV, uso na rin!

HINDI LANG FILM piracy ang uso, kung ang tanggapan ni Optical Media Board (OMB) Chair Ronnie Ricketts ang tatanungin. In vogue na rin these days ang umano’y lantarang pamimirata ng TV5 ng mga artists in its bid to shine in the broadcast industry.

Next to Ryan Agoncillo who hosts TV5’s top-rating Talentadong Pinoy, probably the biggest and “least pirate-able” talent na nakuha nito was Paolo Bediones who, as we all know, traces his roots to GMA.

Bagama’t hindi pa pinapangalanan, putok na putok na rin ang kasado nang paglipat ni Maricel Soriano sa TV5 from ABS-CBN, or shall we say ang pinirmahang nang kontrata ng aktres. More and more stars from ABS-CBN and GMA are rumored to be crossing over, such news is becoming a bit too alarming.

The stakes are high, the offers are handsome. Hudyat ito para sa dalawang higanteng network sa bansa upang dagdagan pa ang pag-aalaga sa kanilang mga kontratadong artista. And not only are we talking about on-camera talents, dahil maging ang creative team ng anumang programa ay hinaharana ng TV5 as its way of courtship.

In numerical sequence, napagigitnaan ng dos at siyete ang singko. Kumilus-kilos na sana ngayon pa lang, kumbaga sa sandwich, ang dalawang pisngi ng tinapay bago sila lamunin ng naturingang palaman lang!

IF ELECTED, LET’S face it, napaka-crucial ng magiging papel ni Senator Mar Roxas to the president-elect in the May 2010 polls, whoever that may be.

In hindsight, it was then Vice-President Gloria Macapagal-Arroyo who caused the ouster of then-President Erap Estrada. At hindi man aminin nina PGMa at VP Noli de Castro, maraming agenda kung saan hindi sila nagkakatugma. The mere fact na hindi binasbasan ni PGMA si Noli, kundi si dating Defense Secretary Gibo Teodoro, was telling sign that all’s not perfectly well between the two of them.

Kaya makaling hamon ito kay Mr. Palengke (Mar’s monicker), gaano siya nakatitiyak that political history is not going to repeat itself kung sakaling hindi si Senator Noynoy Aquino, at ibang presidentiable, ang mahalal?

Sa presscon na ipinatawag ni Mother Lily, as usual ay karay-karay ng VP bet ang kanyang misis na si Korina Sanchez. Nagiging familiar fixture na si Korina in practically all of Mar’s appointments sa kabila ng pahayag niyang “behind-the-scenes” lang ang byuti niya.

Pero pagdating sa mga “giyera” ni Mar, Korina would rather step back. Sa katunayan, ayaw niyang i-dignify ang binitiwang salita ni Senator Aquilino Pimentel sa dahilang ayaw niyang buwisitin ang kanyang sarili.

Isang hamon din ito sa pagtitimpi ni Korina, knowing na palaban siya’t walang inuurungan given her background as a topnotch broadcast journalist.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articlePhoto Oops!: New look ni Wil and Techie?!
Next articleVice Ganda, mas sikat na kay Chokoleit at Pooh!

No posts to display