NANGUTIM NANG HUSTO ang nguso ni US Ambassador to the Philippines Harry Thomas at tumitilamsik ang mga laway nito habang nagdadakdak tungkol sa putahan dito sa ‘Pinas.
Ayon kay Amb. Thomas, 40% ng mga dayuhang dumadalaw sa ating bansa ay “totnak” lang ang dahilan kung bakit nandito.
Siyempre, umalma “to the max” ang Palasyo. Aba eh, nakakahiya nga naman, ‘yun!
Biruin mo, lumalabas na hindi pala sa ganda ng ating mga tourist spot nabibighani ang mga dayuhan. Kundi sa mismong magagandang Pinay!
Hindi pala sa huni ng mga magagandang ibon sa ating kapaligiran. Kundi sa halinghing ng mga Pinay!
Hindi pala sa mga virgin forest natin (meron pa ba?). Kundi sa mga virgin natin!
Hindi pala sa ating mga preskong batis.Kundi sa makikipot na batis ng Pinay!
Tsk, tsk, tsk, nakalulungkot talaga ang pahayag na ito. Hindi dahil sa ito ay nagdulot sa atin ng iba-yong kahihiyan sa mata ng buong daigdig, na magmistula tayong “land of prostitutes”.
Iba, parekoy, ang ikinalulungkot natin sa pahayag na ito ni Ambassador Harry Thomas. Para kasing nakikinita ko na ang magaganap sa mga darating na araw. Na ang matitikman natin dito, lalo na ang mahihirap na Pinoy ay mga tira-tirahan na lamang ng mga hinayupak na dayuhan! P’we!
Mabuti na lamang at humingi ng dispensa si Thomas sa pahayag na ito. Ganu’n pa man, para na niyang sinabi na, ‘sorry… pero mga patotnak naman talaga kayo!
Ang ibig kong sabihin, parekoy, hindi mahalaga ang sorry ni Thomas. Kundi sabihin talaga niyang nagkamali o sinungaling siya! Tangnamo, sinunga-ling na Negro!!!
Hindi kaya higit pa sa 40%? Ehek!!!
NAGLIPANA SA CALOOCAN City ang mga Video Karera machine na nagsasadlak sa mga kabataan sa pagkagumon sa nasabing sugal.
Kaliwa’t kanan na, parekoy, ang reklamo ng mga magulang ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay mistulang bingi ang tanggapan ni Mayor Recom Echiverri sa nasabing mga hinaing ng kanyang nasasakupan.
Maaaring may katotohanan nga, parekoy, ang sumasabog na balita sa Caloocan na kapag ang nasa likod ng isang transaction ay si alyas Al ay walang magawa ang mga pulis. Dahil alam nila na ito ang taga-diskarte ni Mayor Recom Echiverri.
Ayon sa ating “tawiwit”, ang nasabing mga VK machine na umaabot sa 500 units ay dating pag-aari ng gambling lord na si Sacho.
Hiningian umano ito noon ng pera nina Al at ng isang “matikas” na opisyal ng pulis-Caloocan para makapag-operate ng nasabing mga makina sa Caloocan City. Ngunit nang nabulabog dahil sa walang puknat na halihaw ng media ay agad na pinaghuhuli ni Major Rod Soriano, ang hepe ng Special Operations Group ng Caloocan police.
Ang masakit, parekoy, ang nasabing mga hinu-ling VK machines ang siya ngayong pinatatakbo ng ilang pulis. At naging hanapbuhay na ito ngayon nina Al at ng nasabing “matikas” na opisyal ng pulis sa Caloocan.
Susmaryosep, Col. Jude Santos, may basbas mo rin ba ang nagaganap na ito sa iyong area of responsibility? Hindi kaya may sabwatan na Kernel ang opisina mo at ang tanggapan ni Mayor?
Magkano ba ang tanggapan? Ha?
Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303