If there’s someone who holds the key to Bulacan (Bulacan) Mayor Patrick Meneses’ chest of secrets—lalung-lalo na ang mga naging romantic liaisons nito with Aiko Melendez at Ara Mina—‘yun ay walang iba kundi ang kapwa rin niya lokal na pinuno na si Enrico Roque ng Pandi.
But the charismatic mayor na naging negosyante muna bago pumasok sa pulitika won’t reveal kung ano ang dahilan why both relationships didn’t last. “Sa amin na lang ‘yon ni Patrick, but we go a long a way,” matipid na tugon ng tumatakbong alkalde muli ng Pandi, isang second-class municipality bounded by Sta. Maria and Balagtas.
Patunay na malalim ang pagkakaibigan ng dalawang mayor ay ang pagtutulungan nilang lalo pang umunlad ang buong lalawigan ng Bulacan. In fact, Patrick Meneses was present during Enrico’s proclamation rally kung saan inanunsiyo nito, “Aaminin ko, si Mayor Enrico Roque ang pinakamagaling na punong-bayan sa ating probinsiya,” the latter being the president of the mayors’ league, “pero aaminin ko rin sa inyo na ako ang susunod na pinakamagaling.”
Mula kasi nang manungkulan si Enrico noong 2010, Pandi used to be an obscure bayan, always being referred to as “malapit sa mga bayan ng Sta. Maria at Balagtas.” But thanks to his vision—kundi man ang kanyang pagiging ambisyoso—bukod sa roon nagmula ang mga magagarang burdadong barong Tagalog ay nakilala ang Pandi dahil sa Amana Water Park.
Running for his third and last term, pakiramdam ni Mayor Enrique na mas marami pa siyang maisasakatuparang pangarap para sa mga Pandienos. At sa pagkakataong ito, katuwang niya ang kanyang nakababatang kapatid na si Konsehal Ricky na tumatakbo namang bise alkalde niya.
AS THE plot thickens, lalong walang dahilan para palampasin ng mga manonood ang itinatakbo ng kuwento ngayon sa Bakit Manipis ang Ulap?
Nagbunga na kasi ang “forbidden love” sa pagitan ng mga bidang si Marla (Claudine Barretto) at si George (Diether Ocampo) lingid sa kaalaman ng asawa ng huli na si Alex (Meg Imperial).
To conceal her pregnant state, Marla who’s back to school takes a leave and hides off to some place pero masusundan siya roon ni George. Samantala, Vera (Ruffa Gutierrez) will stop at nothing para ibunyag ang lihim ni Marla still as her way to avenge the death of her younger sister (Roxanne Barcelo).
Nakatuon ngayon ang pansin kay Alex, incapable of bearing a child by George, kung ano ang kanyang magiging reaksiyon at hakbang upon discovering her husband’s tryst with Marla.
Abangan ang lalo pang mga kapana-panabik na tagpo sa BMAU tuwing Lunes, Martes at Huwebes sa ganap na alas nuwebe ng gabi.
GMA’S ISMOL Family marks its second anniversary this June, at kung bakit tumagal ito nang ganito sa ere is a confluence of several factors that make a good sitcom worth our while.
Dahil buhay-may-asawa ang pinapaksa rito, tila every Pinoy household can relate sa mga kaganapan, kundi man kaguluhan sa isang typical family na may in-laws na nakapisan sa bahay.
Bukod dito, Ismol Family is not without its share of values na ibinabahagi nito sa mga manonood, such basic virtues tulad ng pagiging tapat, matulungin, marespeto sa kapwa, mapagmahal sa mga kaanak at iba pa worth of emulation bilang bahagi na ng ating sinaunang tradisyon at kultura.
At sa panonood nga ng bawat episode ng sitcom na ito, it’s as if nasa eksena rin ang mga manonood, themselves embroiled in family disputes and issues.
At kung sisipatin ang mga karakter, ginagawa lang nilang fun at katatawanan ang kung tutuusi’y trabaho sa set. There’s always fun at work, ‘ika nga, kaya naman sey ng mismong direktor nitong si Dominic Zapata ay umuuwi silang lahat from the taping nang hindi man lang nakakaramdam ng pagod sa maghapong pagtatrabaho.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III