NAGSIMULA BILANG negosyante si Enrico Roque sa Bodega ng Bayan hanggang maging Mayor ng Pandi, Bulacan. Year 2008, itinayo niya ang Amana Water Park, 6.4 hectare na may additional na 4.8 hectare. “May Malaysian investor na kaming na-invite dito na ini-study na ‘yung project. Ito ‘yung kauna-unahang in-park and water park in one. Kasi, mayroon nga naman Sunway ang Malaysia, Nutsberry ang California. Amana Water Park lang siya so, i-incorporate namin siya na magkaroon dito ng kauna-unahang water team park sa Pilipinas, in 2 to 3 years pa siguro,” say niya nang makausap namin siya sa kanyang fabulous resort sa Pandi, Bulacan.
Ipinagmalaki rin ni Mayor Enrico ang katatapos lang na Barong Festival. Sa Pandi, Bulacan pala nanggagaling ang mga barong sa Divisoria pati sa iba’t ibang mall sa Metro Manila. “Actually, ang nanay ko, isa sa pioneer, 40 years ako. Naipasok na namin sa tourism, nag-usap na kami. Mas malaki, mas grandyoso ang terms na ginamit nila na festival kasi, gagayahin namin ‘yung festival sa Baguio. Ipaparada naming ‘yung pinakamalalaking barong. Every year na ito,” aniya.
Kinumusta namin ang kasong isinampa niya kay Aiko Melendez. Nang maghiwalay kasi sina Aiko at Mayor Patrick Meneses, nasangkot sa controversy si Mayor Roque dahil kaibigan niyang matalik ang nasabing pulitiko. “When it comes to case kasi, ayaw kong sabihin na ako’y sumunod lang o na-kisama. Hindi ko talaga pinursue ‘yung kaso against Aiko kasi, hindi ko naman masisisi si Aiko kung nagkaroon man silang dalawa ng alitan. Para bang, kung itinuloy ko pa ‘yun kasi para bang pinilit ko pa ‘yung sarili ko na mapasok sa isang bagay na hindi naman ako dapat kasama. Sa totoo lang po, hindi ko siya talaga pinursue. Sabi nga sa akin ni Mayor Patrick, bakit hindi ka uma-attend ng hearing? ‘Yung abogado mo, hindi rin uma-attend. Sabi ko, ‘pare, sa totoo lang, hindi ko talaga gusto itong pinasok ko. Parang ang pangit naman na ako pa mismo ang magpu-pursue sa kaso na hawa lang ako rito, ‘di ba? It’s between you and Aiko’. Sabi nga ni Patrick, ‘Pare, baka sa ginagawa mong ‘yan mabawasan ‘yung merito ng kaso?’. Sinabi ko naman sa kanya, ‘Pare, sasamahan kita sa laban mo pero sana naintindihan mo rin ako dahil hindi talaga ito ang gusto ko’. Maintindihan naman niya. Alam naman niya, ako ‘yung klase ng tao na ayaw kong may kaaway. Pare, ayaw kong dumating ‘yung araw na kakaasikaso ng kaso mo, baka kayong dalawa ang magkasundo, maiwan ako. Ako po, wala akong kahit konting sama ng loob with Aiko. Naiintindihan ko siya, iba talaga kapag nagmamahal,” paliwanag ni Mayor Roque.
Sikreto ni Mayor Roque for being a successful businessman and politician? “Si Enrico Roque umunlad, nagtagumpay dahil naging mabuting anak. Lagi kong sinasabi, ang Nanay ko, buhay ko. Buhay naming magkapatid kasi, pinalaki niya kaming mag-isa. Separated ‘yung parents ko. From elementary hanggang high school, college hanggang ngayon hindi ko naramdaman na nabawasan ‘yung pagmamahal at pagka-linga ng nanay ko,” seryosong wika niya.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield