SA ILALIM ng ating batas, may mga inihanay na krimen na itinuturing na karuma-dumal o heinous crimes. Noong mayroon pang parusang kamatayan sa Pilipinas, ang mga ito ay pinaparusahan ng death penalty. Ngayong suspendido ang death penalty, ang maximum na parusa sa mga ito ay pagkabilanggong panghabambuhay.
Kabilang sa mga ito ay ang mga karumal-dumal na pagpatay, malawakang pananabotahe sa ekonomiya, panggagahasa at iba pa.
Kamakailan ay nagsulputan ang mga isyu tungkol sa pang-aabusong sekswal sa ating mga OFW sa ibang bansa. Ngunit ang mas masakit, ang mga krimeng ito ay isinasagawa ng mga employer (na matagal nang ginagawa sa ating mga OFW) kundi kagagawan ng mga opisyales mismo ng mga opisyales sa ating mga embahada at konsulada.
Kadalasa’y madalang ang tumetestigo laban sa mga opisyales natin dahil sa takot na sila ang mabaliktad o kaya’y ‘di na sila makabiyahe. Kaya ang nangyayari, paghupa ng isyu, balik na naman sa dating gawi ang nasabing mga opisyal.
Kakaiba ang krimen na ginagawa ng mga ito. ‘Di ito ordinaryo dahil sila ay nagsasamantala sa kanilang posisyon para mang-abuso. At mas masakit, sila ay sinuswelduhan ng pamahalaan para mangalaga sa mga OFW.
Kaya ang panukala ko ay itrato ang kanilang krimen ‘di lang bilang pangkaraniwang pagkakasala kundi ituring ang mga ito na karumal-dumal na krimen na dapat patawan ng maximum na kaparusahan.
LIBRENG PAYO SA OFW! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected]
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo