Panganiban ng Pergalan at Bagman ni Gen. Regis

SANDAMAKMAK NA ang reklamo ng mga residente sa iba’t ibang lugar ng Cavite, Batangas, Laguna, Rizal at Quezon hinggil sa hindi maawat na operasyon ng mga pergalan.

Ayon sa mga sumbong, nagugumon na nang husto ang kanilang mga asawa’t anak sa lantarang iligal na sugal.

Ang masakit, parekoy, walang pulis na naglalakas-loob manghuli sa mga pergalan na ito dahil sa lingguhang intelihensyang tinatanggap ng mga Chief of Police na nakakasakop sa mga lugar kung saan nakapuwesto ang mga pergalan na ito.

Idagdag pa rito ang media-connect ng isang alyas Baby Panganiban na siyang nag-organisa umano sa naglipanang mga pergalan na ito.

Speaking of Panganiban, siya na rin ang nangungulekta sa bawat puwesto ng pergalan ng para umano sa lingguhan ng ilang taga-media.

Ang tanong, parekoy, sinu-sinong taga-media kaya ang ipinangungulekta ni Panganiban?

At ilan lang kaya sa kanila ang nabibigyan ni Panganiban?

Kaya kung ako du’n sa mga mediaman na walang tinatanggap na lingguhan mula rito kay Panganiban, nararapat lang na pompyangin itong mga pergalan sa Calabarzon.

Upang mapatunayan na hindi sila tumatanggap kay Panganiban.

At higit sa lahat, upang hindi sila maipangulekta ni Panganiban!!!

LAGLAG-BALIKAT ANG ilang pulis na nangangarap maging “bagman” sa Southern Police District.

‘Yan, parekoy, ang ipinaabot ng ating “tawiwit” na isa ring pulis sa SPD.

Ang dahilan, akala nitong mga pulis na nangangarap maging “bagman” ay makakadikit sila sa bagong talagang District Director na si C/Supt. George Regis.

Mali sila, parekoy.

Maling mali! Hak, hak, hak!

Alam n’yo kung bakit? Sapagkat si Sgt. Dizon na “bagman” ng dating DD ang siya pa ring nanalo sa bidding!

Walanghiyang buhay na ito, parekoy, pati pala pagiging bagman ay may bidding pa! P’we!

Gaano katotoo Gen. Regis, Sir, na nagsagawa ka ng bidding sa magiging “bagman” mo at ito ngang si Sgt. Dizon ang nanalo?

Kung sabihin mo namang hindi totoo, aba eh, bakit hindi mo pinaiimbestigahan itong si Dizon na walang sawa sa kaiikot sa mga iligalista at tangay-tangay ang pangalan mo?

PAKINGGAN ANG aking programang ALARMA Kinse Trenta sa radio station DZME, 1530kHz, AM band (dulong-kanan ng talapihitan) tuwing alas 6-7 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes. Mapapanood rin ito via live streaming sa www.dzme1530.com. Anumang reaction ay ipaabot lamang sa [email protected] o CP No. 09098992775 / 09166951891. 

Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303

Previous articleSa laki ng milyun-milyong pisong offer Kris Aquino, sinunggaban ang endorsement ng alak!
Next articleMang Mario, Pintor

No posts to display