KAHIT may mga issue kinakaharap si Jinggoy Estrada, buo ang loob niya harapin ang mga kaso isinampa laban sa kanya. Tuloy pa din ang laban. Tumatakbo bilang Senador ang anak ng masa. Patuloy pa rin ang suporta ibinibigay sa kanya ng masang pinoy.
Nasaksihan namin ang mainit na pagtanggap sa kanya ng publiko kung gaano kamahal ng mamamayan si Jinggoy. Habang nasa motorcade,naglalabasan ang mga tao sa kalsada at sinisigaw ang pangalan ni Senador Jinggoy Estrada. Binaybay ang kahabaan ng Navotas at Valenzuela, bumaba at umikot sa palengke, nakipagusap sa mga tindera at ordinaryong mamamayan. Kumain ng fishball sa kariton at niyaya ang masang pinoy na saluhan siya.
Abot kamay lang ng Masang Pilipino ang kanilang idolo si Jinggoy. Madaling lapitan at hingan ng tulong kung kinakailangan. Bukas ang palad nito sa pagtulong sa mahihirap. Hindi pa din nawawala ang karisma ng actor/politician sa publiko. Ang makapagsilbi sa mamamayan ang unang priority ni Senator Jinggoy.
Palaging bukas ang kanyang tanggapan sa mga taong nangangailangan ng tulong. Tunay na malasakit at tunay na serbisyo mula sa Anak ng Masa. Likas sa kanyang ang matulungin at madaling lapitan kaya nga siya muling inihalal noong 2010 ng halos 18 Milyong Pilipino bilang kanilang kinatawan sa Senado.
Sabi nga ni Sara Duterte,” Sa totoo lang, ang tunay na kailangan ng Senado ay ‘yung tunay na nagtratrabaho.” Kakampi siya ng mga kasambahay, manggagawa at OFW. Si Senator Jinggoy ang tunay na boses ng masa.
“Kung papalarin po ako, patuloy po akong maglilingkod nang tapat sa Masang Pilipino. Hindi ko po kayo bibiguin, ipagpapatuloy natin at mas lalong pagbubutihin an gating trabaho sa Senado, “ pangakong totoo sabi ni Senador Jinggoy Estrada.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield