NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
Concerned citizen po ako at may irereklamo lang po akong dalawang MMDA traffic enforcer na kunwari ay nagta-traffic dito sa Canonigo St. sa may Plaza Dilao sa Paco, Maynila. Dito po ang daanan ng ng mga truck na galing Quirino. Nanghihingi po ng pang-kape sa bawat truck na dumaraan. P20.00 po ang hinihingi nilang pang-kape sa bawat truck na hinaharang nila.
Ilalapit ko lang po sana sa inyo iyong problema tungkol sa mga kabataan na nakatira ngayon sa aming sementeryo rito sa Navotas. Mga perhuwisyo po kasi talaga lalo na sa gabi. Lantaran din po ang pagra-rugby nila sa mga tao. Sana ay makausap ang kinauukulan para maaksyunan. Salamat po.
Tulungan po ninyo kami sa aming reklamo na may nagsusunog ng basura rito sa Brgy. Sapang Bato sa Angeles City, Pampanga. Nagreklamo na po ako sa aming barangay ngunit wala namang naging aksyon. Sana ay matulungan ninyo kami.
Irereklamo ko lang po sana iyong mga aso na nagkalat dito sa Country Club Village sa Baguio City dahil grabe ang mga dumi. Wala naman pong aksyon ang mga opisyal sa mga hinaing namin. Sana po ay maaksyunan ninyo. Salamat po.
Isa po akong concerned citizen at marami po sa amin ang nag-i-illegal parking na mga tricycle at private vehicle dito sa Angono, Rizal lalo na sa malapit sa isang mall dito. Mismong enforcer pa ang pasimuno ng mga illegal parking na ito dahil may patong sa kanya ang mga pumaparada.
Irereklamo ko lang po ang Ynares High School dahil palaging naniningil para sa PTA na umaabot sa P450.00 bawat bata. Sana po ay matulungan ninyo kami.
Tulungan n’yo po sana ako matigil na ang paniningil sa mga estudyante rito sa Binagbag National High School sa Sta. Maria, Bulacan. Naniningil sila ng P210.00 para sa PTA, P90.00 para sa school paper, P2.00 everyday para sa homeroom fund at ngayon ay may P150.00 para sa palabas or sine sa Science subject.
Concerned parent po kami at gusto ko sanang idulog sa inyo ang tungkol sa paniningil ng halagang P500.00 sa bawat estudyante rito sa Capas National High School sa Capas, Tarlac. Sana ay mabigyan ng aksyon. Maraming salamat po.
Itatanong ko lang po kung allowed po ba ang paniningil ng P250.00 ng eskuwelahan sa mga bata para pambili ng telebisyon at ceiling fan. Dito po ito sa Banilad Elementary School sa Nasugbu, Batangas.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 12:00 nn.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo