KUMBAGA SA pagkain, panghimagas lang daw ang privilege speech ni Senator Bong Revilla na idineliber niya noong January 20 sa Senado, as the nation should brace itself for its continuation.
Bagama’t sinabi ng mambabatas na wala pang tiyak na petsa kung kailan meron na naman siyang pasabog hinggil sa kanyang pagkakasangkot sa kontrobersiyal na PDAF scam, ang kanyang pakiusap din sa taumbayan is not to pass judgment until he’s proven guilty of the charges.
“Wala pa ngang paglilitis, eh,” sabi ng senador nang humarap sa ilang press member sa paanyaya ng kaibigang Cristy Fermin sa art gallery nito nitong Lunes ng gabi.
But if it’s any consolation, ang kanyang talumpati ang nagbigay-ginhawa sa kanyang mabigat na dalahin, as most of the things he wanted to share with the public ay kanyang naipahayag nang malaya.
Dapat sana raw ay September 5—kasagsagan ng usapin tungkol sa pork barrel—ang kasado nang petsa ng kanyang privilege speech sa Mataas na Kapulungan. But Bong opted to give way to his fellow solon Jinggoy Estrada na gusto nang maunang sumalang sa plenaryo.
Why it took all of four months to finally get himself ready for the Big Day, “Kita n’yo naman, sunud-sunod ang mga nangyari sa bansa natin. Nariyan ang giyera sa Zamboanga, ang lindol sa Bohol at ang Yolanda. So, sabi ko, ipagpapaliban ko muna ang pagsasalita, I thought it was best to do it in 2014.”
Ayon kay Bong, pakiramdam niya’y hindi si Senator Bong Revilla mismo ang nagtatalumpati ng hapong ‘yon, “Parang hindi ako ‘yon nu’ng pinanonood ko na ang sarili ko. Basta kung anuman ang sinabi ko, ang nagsasalita, eh, ang puso’t isipan ko.”
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III