Pangongolekta ng pera para sa basura!

NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming texthotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED

Tanong ko lang po kung kailangan po ba talagang magbigay kami ng P20.00 bawat bahay sa aming lugar para sa pagkuha ng basura namin? Hindi po ba kasama na iyon sa pondo ng barangay namin na galing sa pamunuan ng Darangan, Binangonan, Rizal?

 

Concerned citizen lang po ako rito sa Dasmariñas, Cavite. Irereklamo ko lang po ang tungkol sa eskuwelahan ng anak ko na Jose Rizal Elementary School, dahil naniningil ng P50.00 sa pag-enrol sa anak ko tapos bawat room ay hinihingian ng pambili ng pintura, electric fan, ilaw, atbp.

Irereklamo ko lang po iyong pagawaan ng mga sasakyan dito sa ML Quezon Street corner San Pablo Street sa Angeles City, Pampanga, dahil nagko-cause ng traffic at nakabubulahaw ang paggawa nila dahil sa ingay. Delikado rin po sa kalusugan ng mga bata at matatandang nakatira malapit dito dahil sa pag-spray nila ng pintura.

 

Idudulog ko lang po iyong problema namin sa school sa F. G. Calderon Elementary School dahil sa paniningil ng pera sa mga bata tulad ng P100.00 para sa homeroom project at P15.00 para sa test paper.

Pakiaksyunan naman po rito sa Socorro Elementary sa Surigao del Norte dahil humihingi sila ng P70.00 para raw pampagawa ng lamesa at bangko sa classroom.

 

Irereklamo ko lang po ang teacher ng anak ko sa C.P. Sta. Teresa Elementary School dito sa Taguig City dahil naniningil po siya ng P150.00 – P200.00 para pambili raw ng TV.

Isa po akong concerned parent dito sa Mangga, Candaba, Pampanga. Mayroong bagong tayong high school dito at noong nakaraang taon lang siya nagsimula. Maroon silang sinisingil na authorized voluntary contribution kung tawagin nila, sa DepEd daw po ‘yon galing at aabot ng P765.00 ang bayarin namin ngayong school year. Sabi ng mga teacher ay wala pong budget na Maintenance and Other Operating Expenses na matatanggap ang eskuwelahan galing sa DepEd kaya sila naniningil. Kahit sa elementary po ay may singilan din na P300.00 kada bata.

Pakiaksyunan naman dito sa BN 4 Elementary School dito sa Brgy. San Isidro, Antipolo City dahil naniningil po ang mga teacher sa bawat estudyante ng P50.00 para sa DVD speaker at P20.00 para sa ilaw sa room nila.

Gusto ko lang ireport para sa inyong kaalaman na ang Mabalacat City College ay nangongolekta ng P150.00 sa bawat estudyante upang pambili raw ng LED television. Pakikalampag naman po ang pamunuan ng eskuwelahan.

Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Luneshanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.

Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 12:00 nn.

Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Previous articleCoco Martin, ayaw madaliin ang love angle nila ni Maja Salvador kahit isang taon nang umeere ang kanilang serye
Next articleMayor Herbert Bautista, nagmistulang Santa Claus sa mga entertainment press

No posts to display