0939592xxxx – Idol Raffy, pakiputol naman po ang mga pangil ng pulis sa San Pedro, Laguna dahil gabi-gabi silang pumaparada sa main road para mangotong sa mga malalaking trucking. Noong isang gabi, iyong mobile na may body number na 001 nagpakabundat. Sana po ay maaksyunan ninyo ito. Salamat.
0933453xxxx – Sir Raffy, pakiimbestigahan naman po ang pagkuha ng police clearance sa Municipal of Bocaue, Bulacan. P255 po ang sinisingil nila pero ang may official receipt lang po ay P135.
0921449xxxx – Sir, itatanong lang po kung may batas o ordinansa ba ang Pasay City na kailangang may sticker na nagkakahalaga ng 800 pesos ang bawat truck na dumadaan? Hinahanapan po kasi kami ng ganoong sticker.
0918914xxxx – Sir Raffy, pakibigyan naman po ng pansin ang pangongotong ng Highway Patrol Group (HPG) dito sa probinsiya ng Rizal partikular na sa bayan ng Taytay. Kasi noong isang umaga, may hinuli sila sa violation na failure to transfer pero kumpleto ang mga papel. Sa pagtatapos ng pakiusapan, nakuha ito sa one thousand pesos. Pakitulungan naman po kaming mga taga-Taytay kasi hulidap ang trabahong ginagawa nila. Halos lahat ay nagtatapos sa kotong. – Concerned Citizen ng Taytay, Rizal
0916181xxxx – Idol, isa po akong concerned citizen mula sa Sto. Niño, Sta. Mesa, Manila at gusto ko pong ipakalampag sa inyo ang mga kinauukulan dito sa aming barangay. Ginagawa kasing sampayan ng mga residente rito ang mga kable ng kuryente at pinababayaan lang ito ng barangay. Nakakatakot po kasi na baka maging sanhi ito ng sunog. Nakalundo na po iyong mga kable. At kailan lang ay may isa nang kableng bumigay. Sana po ay matulungan ninyo kami. Salamat.
0915182xxxx – Sir, itatanong ko lang po kung authorized po ba ang paniningil ng 30 pesos sa Muntinlupa NBI satellite para sa photo capture? Ang alam ko po kasi ay kasama na iyon sa binayaran na 150 pesos. Ang masama pa po ay wala pang resibo iyong 30 pesos na iyon. Baka naman panibagong way ng korapsyon iyon. Sana po ay maaksyunan ninyo. Salamat po.
0927589xxxx – Sir, isa po akong concerned citizen at itatanong ko lang po kung tama ba ang ginagawa ng Station 3 sa may Bangkal, Makati sa ginagawang pagkalbo sa mga sidecar driver na nahuhuli nila.
0921317xxxx – Idol, isusumbong ko lang po ang nangyari noong July 9 ng hapon sa may Dagat-dagatan, C-3 dahil may sumita po sa akin na naka-motor at nakasuot ng jacket at ID ng ANCAR, pero hindi ko po nakuha ang pangalan, dahil kinuha niya ang lisensiya ko pagkatapos ay hindi ako binigyan ng ticket.
Ang WANTED SA RADYO ay mapapakinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay kasabay na mapapanood sa Aksyon TV sa Channel 41.
Para sa inyong mga sumbong mag-text sa 0917-7-WANTED o sa 0908-87-TULFO.
Shooting Range
Raffy Tulfo