0910358xxxx – Sir, isa po akong concerned citizen, ire-report ko lang ang tungkol sa dalawang pulis na nangongotong along Commonwealth Avenue, sa tapat po ng COA at St. Peter Church. Pinapara po nila ang mga bus kahit walang violation, hinuhuli tapos humihingi ng lagay sa bawat bus. Araw-araw pong nangyayari iyon. Sana po ay maaksyunan ninyo. Salamat.
0920858xxxx – Sir Raffy, hihingi po ako ng tulong sa inyo kasi po ang aking owner at AUV ay nabangga ng truck ng pulis. Nagsumbong po ako sa barangay pero ayaw ipagawa ng pulis ang aking sasakyan hangga’t hindi ko raw po inuurong ang aking reklamo. Ano po ba ang dapat kong gawin? Dapat ko po bang iurong ang reklamo para maipagawa ang aking sasakyan? Sana po ay matulungan ninyo ako. Maraming salamat.
0918353xxxx – Idol Raffy, gusto ko lamang po sanang maiparating sa city hall ng Makati ang aking hinaing dahil po roon sa crossing ng Pasay Road at South Super Highway ay maraming nadidisgrasya at namamatay. Kamuntik na rin po akong madisgrasya noong nakaraang linggo kasi iyong mga truck ay parang walang napapansin na traffic light. Tuluy-tuloy pa rin ang andar nila kahit naka-red light na. Sana po ay mabigyang-pansin ng kinauukulan ang aking sumbong. Salamat po.
0939162xxxx – Idol, nais ko lang pong isumbong ang ginawang paghuli ng pulis sa kaibigan ko. Nagto-tong its kasi kami noon pero siya lang ang hinuli, kinuha ang cellphone niya at pera niyang nagkakahalaga ng mahigit dalawang libong piso. Nang sundan namin siya sa presinto ay ‘di namin siya nakita, pero sinabi roon na nahulihan daw ng droga ang kaibigan ko. Kinabukasan po ay sinubukan ko siyang i-text at nag-reply siyang nandoon po siya sa presinto. Dumalaw daw ang nanay niya pero walang dalang pang-areglo, nalaman po namin na sampung libo ang hinihingi ng pulis para maareglo raw ang kaso niya. Ang pinagtataka ko po ay sabi sa presinto ay nahulihan siya ng droga pero ang sabi po ng kaibigan ko sa text ay nahulihan siya ng marked money. Hindi po namin alam kung totoo ang rason ng pulis para kasuhan ng no bail ang kaibigan ko samantalang nanghihingi sila ng pera na kailangang maibigay sa loob ng dalawang oras habang ‘di pa raw nai-inquest. Hindi po nai-produce ang pera kaya matapos niyang mahuli noong June 11, na-inquest siya ng June 13. Ano po ba ang dapat gawin ng kaibigan ko at ng pamilya niya? Salamat po.
0946298xxxx – Idol, inimbitahan po kasi ang anak ko na 15 years old sa istasyon ng pulis dito sa amin, tapos ay bigla na lang po nilang in-inquest. Wala pong kasalanan ang anak ko. Sana po ay matulungan ninyo kami, salamat po.
Ang WANTED SA RADYO ay mapapakinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay kasabay na mapapanood sa Aksyon TV sa channel 41.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0917-7-WANTED o sa 0908-87-TULFO.
Shooting Range
Raffy Tulfo