Pangongotong sa Marcos Highway!

NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.

Ipararating ko lang po sa inyo ang tungkol sa mga kotongero na mga traffic enforcer dito sa kanto ng Ligaya Street malapit sa Marcos Highway sa Pasig. Halos gabi-gabi ay naka-poste sila bandang 1:00 hanggang 4:00 ng madaling-araw at puro truck ang mga pinapara.

Tama ba ang ginagawa ng mga enforcer dito sa Liloan, Cebu na palaging nagko-conduct ng checkpoint sa mga madidilim na lugar at itatago pa ang mobile car para hindi makita at para marami silang makuhang pera? Kasi P500.00 ang nakukuha kapag walang rehistro at another P500.00 kapag walang lisensya. Sana po ay ayusin naman nila ang pagtse-checkpoint na hindi kailangang magtago sa madilim na lugar.

Gusto ko lang po sanang ireklamo iyong kalsada namin dito sa may PNR Site sa FTI Compound sa Western Bicutan, Taguig. Umuulan man o umaaraw ay laging napakaputik ng aming kalsada. Dagdag pa po ang mga baradong drainage. Sana po ay matulungan ninyo kami.

Pakikalampag naman po ang kinauukulan sa lugar namin sa Tanza, Cavite dahil sa madalas na holdapang nagaganap. Wala man lang po kasing nagroronda kahit na tanod. Mas nakatatakot rin po sa gabi dahil walang kailaw-ilaw ang mga kalye.

Irereklamo ko  lang po iyong sa tapat ng Tondo High School dahil marami pong naka-park na sasakyan at mga sidewalk vendor. Wala nang madaanan ang mga mag-aaral kaya sa kalsada na sila dumaraan. Delikado naman po dahil daanan po ng mga sasakyan. Sana po ay maaksyunan.

 

Isa po akong concerned citizen at nais ko lang na mahinto na ang mga ginagawang iligal na pangongolekta ng pera sa mga mag-aaral sa Brgy. San Pedro, Bauan, Batangas. Naniningil sila ng P10.00 para sa anti-tuberculosis, P50.00 sa Red cross, P60.00 sa BSP, P100.00 sa PTA fund, P150.00 sa project na bakal at electric fan, atbp.

Reklamo ko lang po ang Matias Elementary School dahil nagpatawag sila ng meeting ng magulang kamakailan lang at sinabi nilang lahat daw po ng bata ay obligado magbigay ng P100.00 upang pambili ng generator.

Irereklamo ko lang po ang Pampanga High School sa San Fernando, Pampanga dahil naniningil sila ng P550.00 sa mga magulang ng bawat bata para raw sa pangangailangan ng mga anak namin at proyekto ng MPTA. Napakalaking halaga naman noon sa dami ng estudyante ng PHS.

Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.

Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 12:00 nn.

Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Previous articleJessy Mendiola, personal na ang galit kay Angel Locsin?
Next articleHeneral Luna, nanguna sa nominasyon sa Luna Awards

No posts to display