TOTOO PO ba ang balita na ang mga kamag-anak naming OFW sa Saudi ay ‘di na maaaring tumawag o mag-text sa amin kapag gamit nila ang kanilang SIM card? Undocumented po ang asawa ko at sila raw ang mga maaapektuhan ng bagong patakarang ito ng pamahalaang Saudi. Gaano po katotoo ito? — Myrna ng Cavite City
TOTOO ANG balita mong iyan. Lalo na kapag natuloy ang bagong patakaran ng Communication and Information Technology Commission ng Kingdom of Saudi Arabia. Sa ilalim ng bagong policy, ang lahat ng gumagamit ng SIM ay dapat mag-input ang kanilang national identification number (iqama) pagkatapos mai-enter ang kanilang prepaid card number para mag-load o maglipat ng balanse. Kapag hindi ito nagawa, puputulin ang SIM card services at mawawalan siya ng komunikasyon sa mga kamag-anak niya sa Pilipinas o sa iba pang lugar.
Malamang na tamaan nito ang mga undocumented OFW dahil pangkaraniwan na expired na ang national identification number (iqama) ng mga kababayan nating OFW roon. Isa na naman itong dahilan kung bakit dapat nating isaayos ang ating mga papeles kapag tayo ay nagbabalak mag-abroad.
LIBRENG PAYO SA OFW! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected]
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo