NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
Inaayos po kasi ngayon ang daan dito sa amin sa may Scout Delgado malapit sa Tomas Morato, Quezon City. Ngayon po ay hinihingian kami ng P500.00 para raw po sa tubo ng drainage. Tama po bang kami ang singilin para sa tubo na iyon?
Tama po ba na maningil sa barangay namin ng bayad para sa basura? Wala naman pong ibinibigay na resibo. Dito po ito sa Brgy. 30B, Sta. Maria, Laoag City. Sana po ay matulungan ninyo kami. Salamat po.
Reklamo ko lang po ang hindi pangunguha ng basura sa Brgy. San Manuel sa San Jose Del Monte, Bulacan. Inuuod na ang basura namin dahil dalawang buwan nang hindi nangunguha ng basura ang barangay.
Dito po sa bayan ng Del Gallego sa Camarines Sur ay walang awa kung mangotong sa mga motorista ang TMG check point. Iyong lagayan po ng tubig ay puno po iyon sa maghapon ng mga nakotong nila. Sana po ay matigil na ang kalokohan nila rito.
Irereklamo ko lang po na rito sa Brgy. Caypombo, Sta. Maria, Bulacan ay nangongolekta ng P45.00 sa isang buwan para sa basura at hindi makakukuha ng barangay certificate kapag hindi ka bayad.
Ano po ba ang tamang pag-check point ng motorcycle? Kasi may nagtse-check point sa Pasig noong isang gabi na walang nakalagay na PNP check point o anumang signage. Mga naka-motor lang ang pulis na nandoon.
Gusto ko lang po i-inform kayo regarding sa system ng Bureau of Customs ngayon dahil lagi pong naka-down ang servers nila nang halos dalawang linggo na. Nagdududa po ang mga taong nagta-transact ng business doon dahil baka daw may mga hocus pocus na nangyayari dahil malapit na raw pong magpalit ng administration.
Dito po sa Congressional National High School ay ayaw pong ibigay ang card ng estudyante kapag hindi nagbayad ng P250.00. Sana po ay matulungan ninyo kaming mga concerned parents. Salamat po.
Isusumbong ko lang po sa inyo ang isang pulis sa Butong, Manjuyod, Negros Oriental dahil naniningil ng P10.00 sa bawat pasahero ng habal-habal mula Kandabong papuntang Manjuyod at vice versa.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Luneshanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.
Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo