NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
- Isang concerned parent po ako rito sa Talomo National High School sa Davao. Reklamo ko lang po ang paniningil sa bawat mga bata ng P210.00 para raw po makapagpakabit ng CCTV ang eskuwelahan.
- Reklamo ko lang po ang Cabuyao National High School dahil naniningil sila ng P500.00 sa mga estudyante pero hindi naman nila sinasabi kung para saan nakalaan iyong babayaran ng P500.00
- Irereklamo ko lang po ang isang pulis ng Pasig City dahil grabe po siya magbigay ng ticket kahit walang violation. Mapa-truck, taxi, van, at mga motor na naka-park lang ay binibigyan niya ng ticket. Tapos sinabi niyang magbigay na lang sa kanya ng pera para hindi kunin ang lisensiya.
- Ireklamo ko lang po ang matagal ng baradong kanal dito sa may barangay Katuparan sa may Santol St. corner Pag-asa sa may Taguig City. Sobrang baho at lagi na lang baha rito sa amin. Pakikalampag naman po ang mga kinauukulan tungkol sa problema naming ito.
- Isang concerned citizen dito sa may Antipolo, gusto ko po sanang mapalagyan ng ilaw rito sa high way namin. May poste naman po ng ilaw kaso hindi naman gumagana. Sobrang dilim po kasi at masyadong delikado. Marami na rin po kasing nahoholdap at nai-snatch-an ng gamit dito sa daan.
- Reklamo ko po ang maraming langaw rito sa aming barangay dahil sa poultry. Hindi naman inaaksyunan ng barangay kahit magreklamo kami.
- Irereport ko lang po sana iyong taong nanghihingi araw-araw ng lagay na P70.00 dito sa aming mga vendor. Nilapit na po namin ito kay Chairman pero wala naman pong nagawa. Dito po iyon sa Binondo, Manila.
- Reklamo ko lang po itong bingohan dito sa may Malibay, Pasay kasi po ay ipinuwesto nila sa may court kaya hindi na mapaglaruan ng mga kabataan. Mag-iisang taon na po iyong bingohan kaya dumulog na po ako sa inyo para maaksyunan.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 – 4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.
Mapapanood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo