NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming texthotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
Isa po akong concerned parent ng General Roxas Elementary School at gusto ko pong malaman kung legal ang paniningil nila ng P10.00 sa bawat estudyante kada buwan para sa tagalinis ng paaralan. At ngayon ay naniningil naman sila ng P100.00 para sa electric fan at DVD player.
Reklamo ko lang po sa inyo iyong elementary school dito sa Purok 3, Brgy. Nieves, San Leonardo, Nueva Ecija dahil buwan-buwan ay may pinababayaran iyong teacher katulad ng pambili ng electric fan, pampagawa ng bangko, banyo, at kung anu-ano pa. Ang laki po ng hinihinging pambayad bawat estudyante lalo na po kung hindi lang isa ang anak na nag-aaral doon.
Isusumbong ko lang po iyong panggigipit ng mga teacher sa isang eskuwelahan sa Camiguin Island dahil naniningil po sila ng P400.00 sa elementary student para sa pagpapaayos ng school at pambili ng electric fan. Maliban doon sa P400.00 ay iba pa ang sinisingil sa PTA. Sana po ay matulungan ninyo kami kasi matagal na pong ginagawa ito.
Irereklamo ko lang po ang Damong Maliit Mathay Elementary School sa Novaliches, Quezon City dahil nangongolekta sila ng P50.00 para sa kuryente at kurtina. Sana po ay maaksyunan. Salamat po.
Dito po sa San Mariano National High School sa San Mariano, Isabela ay problema naming magulang ang marami pong binabayaran sa classroom tulad ng pambili ng TV, electric fan, pagpapa-repair sa sirang bubong at kung anu-ano pang contribution.
Isa po akong concerned citizen at irereklamo ko lang po iyong isang carwash sa may Juan Nakpil St. corner Ma. Orosa dahil sa mismong kalsada sila naglilinis ng sasakyan. Hindi makadaan sa sidewalk ang mga tao dahil nakahambalang sila. Wala naman pong sumisita.
Ireklamo ko lang po iyong kalsada rito sa Brgy. Danlagan, Lopez, Quezon dahil sobrang hirap daanan ng mga motorista dahil sa sobrang lalim ng lubak ng kalsada. Hindi naman inaayos. Pakikalampag naman po ang mga kinauukulan dito sa lugar namin. Salamat po.
Irereklamo lang po namin ang mga kotong cops sa Apalit Pamapaga, Calumpit at Malolos, Bulacan dahil gabi-gabi silang nangingikil sa aming mga driver ng truck.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 12:00 nn.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo