NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming texthotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
Grabe po itong mga teacher sa San Joaquin Elementary School sa Pasig dahil sila kasi ang nagdadala ng snacks ng estudyante nila galing sa canteen. Hindi po sila tumatanggap ng mababa sa P20.00 at pinapagalitan ang mga estudyante. Style po nila ay tinatakot ang mga bata.
Irereklamo ko lang po ang paniningil ng Tapilon Central School dito sa Tapilon, Daanbantayan, Cebu dahil naniningil po sila sa mga estudyante ng pambayad sa kuryente at tubig na P70.00 kada buwan. Sana po ay matigil na ito. Salamat po.
Ipagbibigay-alam ko lang po sa inyo ang katiwalian sa Clark International Airport. Iyong mga nakapila sa airport para sa pagkuha ng pasahero ay mga colorum po o walang prangkisa at walang agreement o kontrata sa airport. Kawawa naman po kaming mga legal dito. Mayroon po kasing nangongotong doon sa aviation security na nangongolekta ng P100.00 per day legal ka man o hindi. Sana po ay matulungan ninyo kami.
Isa po akong concerned parent, irereklamo ko lang po iyong school dito sa Sariaya, Quezon dahil napakarami nilang sinisingil. Umaabot po ng P530.00 lahat-lahat. Kasama sa sinisingil nilang mga fee ay ang mga sumusunod: janitor, guard, student development, cultural, athletic, library, anti-tuberculosis, sustaining fee, school fee, at test paper. Dito po ito sa Canda National High School.
Mayroon lang po akong concern na ilalapit sa inyong programa, tungkol po ito sa Senior High School dito sa amin sa Brgy. Bonbonon, C.P. Garcia, Bohol. Sa ngayon ay maliit lang ang bilang ng nagpa-enroll sa senior high dahil hindi nila nagustuhan ang mga offering sa eskuwela. Ang mga bata po ay hindi na makapag-aral sa malapit na paaralan at dumadayo pa sa malayo para sa senior high school. Sana po ay makausap ninyo ang pamunuan sa Department of Education dahil para sa amin ay hindi po pabor ang pagkakaroon ng senior high school. Kawawa ang mga batang halos igapang na ng magulang ang pag-aaral ay lalong hindi pa kakayanin dahil sa nadagdag na taon ng pag-aaral.
This is from a concerned citizen in Las Piñas, kindly call the attention of the traffic bureau here in Las Piñas regarding the illegal terminal along Alabang-Zapote corner CAA Avenue. They are occupying the side walk and the pedestrians have to walk on the streets instead of the said sidewalk. Please help us.
Irereklamo ko lang po iyong singil ng police clearance dito sa Consolacion, Cebu, P215.00 po samantalang hindi naman iyon ang nakalagay sa resibo.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TVChannel 41, Luneshanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.
Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo