Paniningil sa mga nag-surrender!

NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming texthotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.

Paki-check naman po iyong mga pulis sa Asingan, Pangasinan dahil sinisingil nila ng P150.00 ang bawat tao na magsu-surrender sa Oplan Tokhang. Bayad daw iyon sa notaryo, pero wala namang resibo. Pinababalik nila ang mga walang pambayad.

Bakit obligado ang mga senior citizen na magbayad ng P25.00 para sa monthly meeting nila rito sa Poblacion 3, Tanauan, Batangas? Wala namang ibinibigay na resibo at hindi nila alam kung para saan ang binabayaran nila. Puwedeng hindi um-attend ng meeting pero dapat magbayad, maaalis sa roster ng senior citizen kung hindi makababayad.

Isusumbong ko lang po itong isang eskuwelahan sa Angono, Rizal dahil sa paniningil ng contribution para sa electric fan at kung anu-ano pang gastusin sa eskuwela. Sana po ay matulungan ninyo kami. Salamat po.

Isusumbong ko lang po ang paniningil ng eskuwelahan sa Tatala, Binangonan, Rizal ng P200.00 sa bawat estudyante para ito sa PTA. Pambili raw ng electric fan ang nasabing pera.

Isa po akong concernd parent dito sa Pinagkaisahan, Cuenca, Batangas. Reklamo ko lang po ang paniningil ng P150.00 sa mga Grade 1 students para pambili ng printer at P200.00 naman sa Grade 4 para pambili raw ng TV.

Isa po akong concerned citizen sa Camiling, Tarlac. Makatarungan ba ang compulsary contribution na P1,000.00 ng isang public para umano sa pagpapa-tiles ng classroom? Naniningil din ng para sa aircon, TV, projector, at walis. Inoobliga rin na magbayad ng P100.00 buwan-buwan para sa janitor. Makakaya ba ng mahihirap na mga magulang sa barangay na mabayaran ang mga ito sa dami ng sinisingil nila? Sana sa private school na lang sila nagpaaral ng mga bata. Sana po ay maaksyunan.

Iyong lugar po namin dito sa Onyx St. corner Zobel sa San Andres Bukid, Manila ay ginawa nilang basketball court iyong kalsada kaya lalong nagkakabuhul-buhol ang traffic dito dahil sa mga naglalaro.

Concern ko lang po iyong ginagawang tulay rito sa Brgy. Kanluran, Sta. Rosa, Laguna dahil napakatagal na po nitong nakatiwangwang. Sobrang napeperhuwisyo na po kaming mga commuter sa sobrang traffic sa lugar. Kailan po kaya ito matatapos ng DPWH?

Ire-report ko lang po ang mga asong nagkalat dito sa lugar namin, pati mga dumi nila nagkalat na rin. Kawawa naman ang mga bata lalo na ngayong tag-ulan dahil humahalo ang mga dumi nila sa tubig-baha. Baka po magkasakit ang mga bata. Pakikalampag naman po ang kinauukulan dito sa Tuclong, Kawit, Cavite.

 

Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.

Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 12:00 nn.

Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Previous articleMaine Mendoza, kuntodo bodyguards sa concert ni Selena Gomez; wala man lang pumansin
Next articleAngel Bonilla, bibirit sa Zirkoh Tomas Morato sa August 24

No posts to display