HANGGANG NGAYON pala ay kinakausap ng isang production outfit si PAO Chief Atty. Persida Acosta na isapelikula ang kanyang buhay. Pero hindi pa rin ito makapagdesisyon dahil una ay super busy siya sa mga kasong ipinaglalaban nila.
Pero kung sakali raw, sino raw ang dapat na artistang puwedeng gumanap sa role niya? Maraming nag-suggest na si ganito at si ganoon. Nakasama sa list ng name ang pangalan ni Kris Aquino.
Hiningi rin ni PAO Chief Atty Persida Acosta ang reaction ng entertainment press kung dapat na ba raw niyang lisanin ang pagiging PAO Chief at tanggapin ang alok na maging senatoriable ng isang partido sa 2016 election?
Gusto kasi ni PAO Chief Acosta na tapusin ang lahat ng mga kasong hinahawakan nila bago mag-isip na lisanin ang PAO.
Tulad ng kasong tinututukan nila hanggang ngayon, ang Sulpicio Lines, ang kumpanyang may-ari ng M/V Princess of the Stars na lumubog ilan taon na ang nakalipas na hanggang ngayon ay wala pa ring katarungan nakakamtam ang mga naging biktima.
Ayon kay Atty. Acosta, nag-file ng Motion for Reconsideration ang PAO para i-review ng Supreme Court ang desisyon nitong gawin lang civil case ang ipataw sa may-ari ng Sulpicio Lines sa halip na criminal case na kung saan dapat daw diumanong makulong si Mr. Edgar Go dahil sa kapabayaan nito bago at matapos ang paglubog ng M/V Princess of the Stars.
Sabi pa ni PAO Chief na hanggang ngayon, marami pang mga bangkay ang hindi pa rin nakukuha sa lumubog na barko. Hindi nga raw sapat na bayaran lang ng daanlibong piso ang mga naiwan ng mga biktima para sa mga buhay na nawala. Sumisigaw ng hustisya ang mga pamilya ng biktima na siya nilang ipinaglalaban.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo