BIRTHDAY NGAYON, August 15, ni PAO (Public Attorney’s Office) Chief Persida Acosta. Pero nakasanayan na nga niyang isineselebreyt ito ng August 18. Humarap nga siya last Tuesday sa movie press para ipahatid na patuloy ang pakikipaglaban niya sa mga naging biktima ng paglubog ng M/V Princess of the Stars.
Almost six years na nga ang kanyang pakikipaglaban sa may-ari ng barkong si Edgar Go. At umaasa pa rin siya na magkakaroon ng hustisya ang kanyang ipinaglalaban para sa kababayan.
Maraming isyung napag-usapan nu’ng hapon na ‘yon. Isa na nga ang mga tanong kung siya tatakbo bilang senador sa darating na elction sa 2016.
“Hindi ko pa iniisip ‘yan,” sabi ni Pao Chief.
Oo nga naman, sa dami ng kasong hawak niya ngayon ay mukhang wala nang oras ang lawyer ng masa.
Pero sa totoo lang, marami na ang nang-eenganyo sa kanya na tumakbo.
“Maghihintay ako ng sign kung papasukin ko nga ang pulitika,” sagot niya.
Sa true lang, mahirap para kay Chief na iwan ang PAO dahil nga nasanay na siya na maglingkod sa sambayanan.
Kung sa bagay, hintayin na lang natin, at kung ako ang tatanungin, gusto kong makita si PAO Chief sa Senado na
alam naman nating lahat na matinong tao at totoong may takot sa Diyos.
by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!