MARAMI ANG natuwa sa pagkakapa-nalo ni Paulo Avelino bilang Best Actor sa nakaraang Gawad Urian sa pelikulang Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa. Kinakitaan agad siya ng husay sa pagganap sa nasabing indie film dahil nabigyan niya ng justice ang papel na kanyang ginagampanan bilang isang baguhang mananayaw na may lihim na pagtatangi kay Jean Garcia. Naging box-office ito nang ipalabas sa CCP at pinuri-puri ng mga kritiko ang outstanding performance ni Paulo pati na rin ang mga artistang kasama sa cast.
Nang lumipat si Paulo sa bakuran ng ABS-CBN, naging maba-ngo agad ang kanyang pangalan. Binigyan ng magagandang TV exposure ang baguhang actor hanggang sa napansin na nga ang husay nito sa pag-arte. Isinama sa cast ng Walang Hanggan at nakipagtagisan ng talino sa pag-arte kina Richard Gomez, Dawn Zulueta at Coco Martin. Matitindi ang bawat eksena ni Paulo na lalong nagbigay-kulay sa nasabing teleserye. Hindi nagpahuli ang actor sa galing umarte ni Coco.
Kahit umaariba na ang showbiz career ni Paulo, hindi mo ito kakikitaan ng kayaba-ngan. Mahusay pa ring makisama, nakaapak pa rin ang paa sa lupa at may isang salita. Hindi siya OPM tulad ng maraming artista. Minsan pinatunayan niya ito sa kasamahan namin sa hanap-buhay. Kahit noong time na nasa GMA-7 pa lang siya, hindi niya ikinahihiyang sumakay sa MRT. Nagpapakatotoo lang ang actor kaya’t lalo siyang minahal ng kanyang mga tagahanga.
Siyempre, hindi maiiwasang intrigahin si Paulo dahil abot-kamay na niya ang tagumpay. Hindi kasi niya napasalamatan ang GMA-7 na nagbigay sa kanya ng break para maging artista. Hindi rin nabanggit ng actor ang live-in partner niyang si LJ Reyes at ang anak nilang si Aki. Sobrang excited lang si Paulo nang mga sandaling ‘yun sa award na natanggap niya kaya’t nablanko ang isip niya at hindi siya nakapagpasalamat, ayon sa actor. Sa kanyang mga interview, taos-puso ang pasasalamat niya sa Kapuso Network. “Kung hindi sa GMA-7, wala ako sa kinalalagyan ko. Hindi ko puwedeng kalimutan kung saan ako nanggaling at malaki ang utang na loob ko sa kanila,” say ni Paulo.
OBVIOUS, FULL support ang ibinibigay ni Krizza Neri kay Aiza Seguerra sa stage musical na Rock of Ages, kahit nababalita na may namumuong relasyon sa kanilang dalawa. Nagsimula ang special friendship nila sa Protégé ng GMA-7. Naging mentor si Aiza at protégé niya si Krizza. Sa debut album nito, si Aiza ang producer kaya’t hindi maiiwasang mabigyang-kulay ang friendship kuno nila .
Sa nasabi ngang stage musical, kapansin-pansin ang kilos at galaw nila habang magkasama sila sa nasabing production. Super daw ang pag-aasikaso ni Krizza kay Aiza, lahat ng pangangailangan nito’y buong-pusong ibi-nibigay ng dalaga. Pati nga raw sa mga motivating exercise, super concerned ang bawa’t isa.
As a singer, matindi ang boses ni Krizza, naiiba ang timbre. May karapatang maging recording artist at maging isang sikat na singer tulad ni Aiza. Huwag nating bigyang-malisya kung ganoon na lang ang paghanga sa kanya ng singer-producer. Kung anumang relationship mayroon sila ngayon, bigyan natin sila ng karapatan maging maligaya sa isa’t isa. ‘Yun lang.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield