Bongga ang career ngayon ni Paolo Ballesteros matapos niyang maiuwi ang trophy bilang Best Actor sa recent Tokyo International Film Festival para sa kanyang performance sa pelikulang “Die Beautiful”.
Sa pelikula, si Paolo ay isang beking mahilig sumali sa beauty contest (sa lengguwaheng beks ay beaucon) na palagi namang umuuwing luhaan, dahil pagdating sa question and answer portion, palaging lost siya at ang umaawra lang sa kanya ay ang kanyang kagandahan.
Sa recent grand welcome presscon ni Mother Lily at Roselle Monteverde para sa aktor, masaya si Paolo sa magandang kaganapan sa kanyang career.
On the spot, inalok kaagad siya ni Ms. Roselle ng two-movie contract na after a few minutes (hindi pa nga sila nagkapipirmahan), gusto ni Ms. Roselle na gawing four-movie contract ang offer niya sa aktor. Pero tumanggi ang manager ni Paulo na si Joji Dingcong, dahil baka hindi na makayanan ng kanyang alaga ang ganu’ng dami ng trabaho, kung kaya’t nauwi sa three-movie contract na lang.
“Kilala ko si Paolo. Ayaw niya ng work na sabay-sabay. Ayaw niyang maglagare,” pahayag ni Joji.
Ang pelikula ng mag-partner na sina Direk Jun Lana (siya ang nag-direk ng pelikula) at si Direk Perci Intalan (na siyang nag-produce) para sa kanilang First Idea Production ay ire-release ng Regal Films. Hopefully ay mapasama sa MMFF 2016 ‘pag nag-annouce na ang MMFF screening committee ng final line up sa darating na November 18 nang pasok at magko-compete sa darating ng film festival sa December 25.
Dahil sa beki ang peg ni Paolo, may nang-intriga kung keri niya or okey lang sa kanya na makasama si Vice Ganda sa isang pelikula.
“Ok lang. Trabaho ‘yun,” maikling sagot siya. Dagdag niya ay bahala na ang manager niyang si Joji sa usaping ito.
Good luck and more power, Paolo!
Reyted K
By RK VillaCorta