Sayang at hindi nakapasok sa Top 8 ng MMFF 2016 ang pelikulang “Mano Po 7” ng Regal Films. Wala rin ang pelikula nina Vice Ganda at Coco Martin ng Star Cinema.
Ang 8 official entries ay ang sumusunod: “Ang Babae sa Septic Tank 2: Forever is Not Enough” (directed by Marlon Rivera); “Die Beautiful” (directed by Jun Robles Lana); “Kabisera” (directed by Real Florido and Arturo “Boy” San Agustin); “Oro” (directed by Alvin Yapan); “Saving Sally” (directed by Avid Liongoren); “Seklusyon” (directed by Erik Matti); “Sunday Beauty Queen” (directed by Babyruth Villarama-Gutierrez) at ang “Vince & Kath & James” (directed by Theodore Boborol).
Sa short films, pasok as official entry ang mga sumusunod: “Birds” ni Christian Paulo Lat; “EJK” by Bor Ocampo; “Manila Screen” nina Roque Lee at Blair Camilo; “Mga Bitoon sa Siyudad” ni Jarell Serencio; “Mitatang” ni Argin Jezer Gagui; “Momo” ni Avid Liongoren; “Passage of Life” nina Renz Vincemark Cruz and Hannah; at ang “Sitsiritsit” ni Brian Spencer Reyes.
Ang batayan ng pagpili ay: story, audience appeal, overall impact (40%); cinematic attributes or technical expertise (40%); global appeal (10%); at Filipino sensibility (10%).
Ang “Die Beautiful” ni Paolo Ballesteros, pasok na sa box-office based sa trailer pa lang na napanood ko, laugh trip ang pelikula. Katuwang ang Regal Films ni Mother Lily at Miss Roselle Monteverde sa pag-release ng pelikula at promotion.
Ang pelikula ng Star Cinema na “Vince & Kath & James” na bida sina Julia Barretto, Joshua Garcia, at Ronnie Alonte ay may future with the production’s expertise in publicity and promotion. Malamang magka-interest ang publiko sa pelikula.
May feeling ako, ang MMFF 20116 will not be as happy compare kapag may Vice and Coco movie o ‘di kaya’y ang sinusundan na “Mano Po” series nina Mother Lily at Ms. Roselle. Bakit kaya hindi nakapasok ang pelikula ni Bosing Vic Sotto na sigurado akong hahanapin ng mga bata ngayong Kapaskuhan?
Say ng isang kaibigang nandu’n kanina sa official announcement sa Club Filipino, “Quality over commercial appeal para sa MMFF 2016 top 8 entries!”
Hindi pa ba sila nagsawa sa artsy films na inilalabas sa Cinemalaya, Cinema One Originals, at sa mga sampu-samperang film festivals na nagsusulputan na parang kabute taun-taon.
Hayaan ninyo ang tradisyon na tuwing araw ng Pasko, December 25, sa unang araw ng MMFF, ang mga bata ay nakapila na sa movies na gusto nila at hindi sa kung anong gusto ng screening committee.
Reyted K
By RK VillaCorta