Paolo Ballesteros, na-touch sa dami ng bumati sa pagbabalik niya sa “Eat… Bulaga!”

Paolo Ballesteros
Paolo Ballesteros

Labis-labis ang pasasalamat ni Paolo Ballesteros sa mga taong natuwa sa kanyang pagbabalik sa “Eat… Bulaga!” kahapon, September 5.
Inulan nga ng mesahe ng congratulations mula sa mga taong na-miss siya nang mawala pansamantala si Paolo “Eat… Bulaga!”.

Tsika nga ni Paolo, “Salamat sa mga magagandang mensahe sa pagbabalik ko sa ‘Eat… Bulaga!’
“Sa mga nagsasabing na-miss nila ako, na-miss ko rin kayo nang sobra-sobra. Magsasama- sama na tayo ulit sa bawat inyong pananghalian.”
Bukod nga sa masayang pagbabalik nito sa “Eat… Bulaga!”, tatlong pelikula naman ang aabangan ng kanyang supporters at ito ang “Die Beautiful” ang pelikulang maglulunsad sa kanya bilang lead actor, “Bakit Ang Mga Guwapo, May Boyfriend?” with Anne Curtis and Dennis Trillo, at ang movie ni Bosing Vic Sotto, kung saan ka-join din siya.

Hashtags
Hashtags

Hashtags, handang-handa na sa kanilang first concert

‘Di na nga maawat ang kasikatan ng all-male group ng Kapamilya Network na napanonood  mula Lunes hangang Sabado sa “It’s Showtime” na Hasthtags na binibuo nina Jameson Blake, Nikko Natividad, Jimboy Martin, McCoy De Leon, Luke Conde, Zeus Collins, Ronnie Alonte, Ryle Paolo Tan, Paulo Angeles, Jon Lucas, at Tom Doromal dahil meron na silang sariling concert, ang “Hashtags: The Road Trip Concert” na magaganap sa September 24, 8 p.m. sa Kia Theater.
Ilan sa aabangan sa concert ng Hashtags ang kani-kaniyang production number na ipapakita na talaga namang pinaghandaan mula sa dance rehearsals at voice lessons para sa kanilang song numbers.
Bukod nga sa kanilang regular show na “It’s Showtime”, kabi kabila ang shows ng grupo, kasama na rito ang promo ng kanilang album sa Star Music.
May kani-kaniya ring raket ang members ng Hashtags tulad na lang ni Ronnie na may dalawang movie na ginagawa at may solo concert ngayon darating na October. Habang si McCoy naman ay bida sa “Wansapanataym” after niya sa PBB house kasama si Nikko, at si Jameson naman ay may indie movie ring ginagawa under ng Cinema One Originals, ganu’n din sina Jon at Luke na may mga pelikulang ginagawa. Ang iba naman ay kasama sa mga teleserye.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleHiro Peralta, naniniwalang ‘di masama ang magpa-drug test
Next articleAhwel Paz, masayang nairaos ang 4th medical mission para mga miyembro ng entertainment media

No posts to display