Happy to learn na wagi na naman si Paolo Ballesteros sa recent Kerala (India) Film Festival sa maganda niyang performance sa 2016 Metro Manila Film Festival entry na “Die Beautiful”.
Last Friday, ibinalita ng taga-market ng mga Pinoy film sa mga film festival sa abroad na si Ferdinand Lapuz ang magandang balita.
In short, 2 awards for Paolo for his film na inaabangan-abangan na ng marami sa darating na Kapaskuhan.
Kung maaalala pa, unang nanalo si Paolo sa Tokyo International Film Festival, kung saan napansin ang acting niya bukod siyempre sa pag-i-impersonate niya kay Angelina Jolie at kay “Pretty Woman”na si Julia Roberts.
For 2016, simula lang daw ito sa mga susunod pa sa mga papuri sa aktor at maging sa pelikula niya.
Sa private message sa facebook sa amin ni Omar Sortijas na siyang project manager sa Idea First Production (ang producer ng “Die Beautiful”, “Barber’s Tale”, “Buwakaw”, “Anino sa Likod ng Buwan”,etc.), first time lang nagbigay ng award sa kategoryang acting ang Kerala Filmfest at dahil sa nagustuhan ng mga judge ang pelikula, lalo na ang acting ni Paolo, nagbigay sila ng Special Jury Prize for Outstanding Performance para sa aktor. Pangalawang international acting award ito para sa aktor. Una ay munla sa TIFF.
Ang naturang international award-giving body din ang nagbigay ng Best Director award kay Direk Jun Lana for his film Anino sa Likod ng Buwan starring LJ Reyes.
Good luck, Paolo sa 2016 MMFF!
Reyted K
By RK VillaCorta