INAMIN NA rin ni Paolo Bediones na mayroon siyang sakit sa balat na psoriasis. Kaya raw siya nagdesisyon na ilantad ang kakaibang sakit para magbigay ng sapat na kaalaman sa publiko na hindi nakahahawa ang nasabing sakit.
Sa panayam kay Paolo ni Cristy Fermin sa kanyang Cornered by Cristy sa TV5, walang takot na ipinakita ni Paolo ang kanyang binti na may malaking sugat na nakuha niya dahil sa pagkamot niya rito.
“Orgasmic ang feeling kapag kinakamot mo na. Napakasarap kamutin, lalo na kapag nakabilad ka sa arawan. May lumalabas din sa noon ko. ‘Yun ang sign na magiging active na rin ang mga nasa iba pang parte ng katawan,” pahayag ni Paolo.
Bukod sa kanyang sakit sa balat. Naungkat din ang kanyang personal life. Ayon sa TV host, at his age (40 years old), marami na rin siyang naging seryosong relasyon pero lahat ay nauwi raw parati sa hiwalayan.
Ang hindi raw niya makalilimutan na hanggang ngayon ay dala-dala pa rin niya sa kanyang puso ay ang pagkawala ng isang sanggol na dapat sana’y tatawag sa kanya ng ‘daddy’.
“Three-month pregnant ang girlfriend ko nang makunan ito. Hanggang ngayon kapag naalala ko ‘yun, napapaluha ako. Napakasakit pala nang ganoon. Hindi ko kayang i-explain ang hurt, sobrang sakit kasi hinayang na hinayang ako,” say pa ni Paolo.
Kung magkakaroon pa si Paolo ng bagong mamamahalin.?Walang makapagsasabi dahil katuwiran ng sikat na TV host ay dumarating daw sa buhay ng tao ang hindi natin inaasahaan.
HINDI BIRO ang hirap ng kalooban na pinagdadaanan ni Senator Bong Revilla at ng pamilya magmula nang masangkot siya sa pork barrel scam. Nakaka-touch din ang kuwento ni Sen. Bong na sa tuwing gumigising daw siya sa umaga ay nagdadasal siya ng pasasalamat dahil isang araw na naman ang kanyang nalampasan.
“Kumbaga, paggising ko sa umaga, ang sasabihin ko, ‘God, thank you, I’m still alive. Thank you for another day. Naririto pa rin ako, lumalaban,”pahayag ni Sen Bong.
Nakatatanggap din si Sen Bong ng death threats. Lalo na raw noong pagkatapos niyang magsalita ng kanyang privilege speech sa Senado.
“Pero hindi na ako nagsasalita dahil sanay na ako sa death threats. Handa nga ako kung anuman ang mangyari. I’m ready,” ulit pa niya.
Nagpapasalamat si Sen Bong sa lahat ng taong nagbibigay sa kanya ng fair judgement – ang media na inilalabas daw ang kanyang panig at ang lahat ng mga taong hindi siya agad hinuhusgahan sa kasong ito.
Samantalang kahit na anong unos pa ang dumating sa buhay ni Sen Bong, he make sure na makapag-taping ng kanyang Kap’s Amazing Stories na napapanood every Sunday sa GMA 7, dahil nakapagbibigay ang show ng aral sa lahat.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo