NAKATUTUWA NA ANG bet naming si Joshua Davis a.k.a Yoyo Tricker ang itinanghal na Ultimate Talentado sa katatapos na Battle of the Champions ng Talentadong Pinoy recently. Karamihan nga rin sa mga nanonood nito sa Cuneta Astrodome, sa binatilyo rin nagtsi-cheer.
Wala kang itulak-kabigIn sa walong naglaban-laban. Lahat ay nagpakitang-gilas nang bonggang-bongga sa kani-kanilang mga talento. Si Joshua, bukod sa mas nakapamamangha niyang yoyo tricks, marami ang na-surprise na magaling din pala siyang magsayaw ala-Michael Jackson, huh!
“Tinuruan po ako ng Speed Dancers ng Shall We Dance,” aniya. “And idol ko rin po kasi si MJ kaya naisip ko na dance medley na lang niya ang gawin ko while doing some yoyo tricks.”
Pang-anim si Joshua sa mga hall of famer na nag-perform. Medyo kinabahan daw siya nang makita ang kagulat-gulat na performances ng mga nauna sa kanya. It was only during his turn to come up the stage and do his act na naging confident umano siya. In fact, tingin namin ay he was over-confident pa nga. And it’s all because gusto raw niyang manalo talaga.”
Ang yumaong Kuya niya ang nagbigay-inspirasyon sa kanya. Ito kasi ang nang-engganyo sa kanya sa pagyo-yoyo. Plano sana nilang sabay na gumawa ng pangalan sa ganitong larangan pero sa kasamaang-palad nga ay nagkaroon ng brain tumor ang nakatatandang kapatid na naging sanhi ng kamatayan nito.
“Na-feel ko ang presence ni Kuya bago magsimula ang Battle of the Champions. And naisip ko nga, laban naming dalawa ito. Dinala ko nga ‘yong wallet ko na may picture naming dalawa at saka ng family namin. Iyon ang parang lucky charm ko kaya lagi kong dala-dala.”
Nang tatawagin na kung sino ang winner, parang hindi mapakali si Joshua. Is it because may feeling siya or nag-i-expect na he will emerge as the winner?
“Uneasy po kasi ako. Kasi sa likod namin, ang baho ng usok na lumalabas coming from the fog machine. Hindi po ako nag-i-expect na manalo. Kasi ayokong ma-disappoint in case hindi ako ang maging winner.
“Nagulat ako nang tawagin na ang pangalan ko. Tapos ‘yong fellow contestants ko at ang mga jury, nagku-congratulate na sabi nila, you deserve it.”
Hindi pa raw niya alam kung ano ang sunod na plano ng TV5 after winning as the Ultimate Talentado ng Talentadong Pinoy. Gugustuhin kaya niyang mag-artista rin?
“Kung may opportunity po, bakit hindi? Pero right now, hindi po ako nag-i-expect ng kung anuman. Basta whatever comes along my way, okey po sa akin. Gusto ko rin po sanang magturo ng yoyo tricks sa mga batang interesado. Kasi hangad ko rin po na maging inspirasyon sa kanila.
“Sa fans nga pala po at sa lahat ng sumuporta sa akin, gusto kong magpasalamat. At sa mga batang mahilig sa yoyo tricks, ituloy lang nila. Huwag silang papaapekto sa sasabihin ng mga tao. At saka ‘yong parents sana nila, maging very supportive din gaya ng parents ko,” panghuling nasabi pa ni Joshua.
Dahil isa nang executive ng TV5, present din si Paolo Bediones sa grands finals ng Talentadong Pinoy. Siyempre pa, hindi maiwasang mahingan siya ng reaksiyon hinggil sa mga artistang naglilipatan sa network na kinabibilangan niya ngayon. Pinakabago nga sa listahan ay si Ruffa Gutierrez.
“Hindi naman sila lilipat nang basta-basta lang,” sabi ng dating Kapusong TV host. “And if you talk to them, hindi pera-pera ang rason. It’s about the opportunity. And in fairness to TV5, we don’t pirate. What we do is we wait for the resumes, and they let us know that they are interested. And that’s when we make a move.
“I get 15 resumes a day, everyday. I get calls and tweets everyday sa mga kasamahan natin sa industriya na nagtatanong kung may space pa sila. Sabi ko naman, I’ll look forward to it.
“Sa ngayon kasi, ang hinahanap ng TV5 are the pillars, eh. Kaya nga we have Dolphy, we have Maricel Soriano, we have Vic Sotto, and then Ruffa Gutierrez and the rest. Although they’re not exclusive talents, their commitment naman sa shows nila and the quality of work they can give us is indeniable. Tapos we have also ‘yong mga newcomers na idi-develop namin to have a good fight in showbiz.”
Aggressive nga raw talaga ang TV5 in terms of the network’s growth to be the third force in Philippine television industry. At nakae-excite kasi, may mga alternatibong shows nang mapagpipilian. At mas maraming artista ang mabibigyan ng trabaho nang bonggang-bongga.
‘Yun na!
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan