Paolo Bediones, masama ang loob sa Siyete kaya lumipat sa Singko! – Ronnie Carrasco

NAGSILBING TRIVIA ANG pagiging isa sa mga miyembro ng jury ni Alfie Lorenzo sa Talentadong Pinoy: Press Edition when TV5 recently threw its early Christmas treat for the entertainment media.

To simulate the Talentadong Pinoy look, nagsilbing host ng gabing ‘yon si Ryan Agoncillo alongside Paolo Bediones na nag-announce ng mga nanalong press members. On stage at the PETA Theatre, biro ni Kuya Alfie, si Paolo ang naghawi ng daan para kay Ryan sa mundo ng showbiz. Ironically though, mas sumikat pa si Ryan who has gone full circle, ‘ika nga, na napadpad na sa tatlong TV stations (GMA, ABS-CBN at TV5).

Para sa katulad kong nanunungkulan sa GMA, isang maliwanag na telltale sign ang presensiya ni Paolo sa naturang TV5 event na ‘yon. What was Paolo doing there, in the first place? And bingo! Rendered jobless and uncertain of what’s in store for him after Survivor Philippines Palau, nasa TV5 na si Paolo!

Tatlong taong kontrata ang pinirmahan ni Paolo sa Singko, add to this ay ang pagiging spokesperson niya on behalf of the station that promises to embark on greater projects, kasama na rito ang pagpo-produce ng mga pelikula come 2010. In a capsule, tinawag ng TV5 ito bilang “convergence” in its reinvigorated thrust to make a difference in the broadcast industry.

How honest naman of Paolo para sabihing ang pagkakaroon niya ng sama ng loob sa GMA ang nagtulak sa kanya upang kumabilang-bakod, such as unrealized hosting jobs in Family Feud (taken over by Dingdong Dantes) and in Starstruck V (na napunta kay Dennis Trillo).

Personally, nauunawaan ko ang sentimyento ni Paolo. Given the load of talents that he’s got, marapat lang naman siyang suportahan. But without someone having to tell him, hindi si JC Tiuseco o si Amanda ng Survivor 1 and 2 ang tunay na mandirigma sa totoong laban ng buhay kundi siya.

HINDI NA NAKAPAGTATAKA that even in politics, blood is thicker than water.

This early, nagpasabi na si Mark Anthony Fernandez na hindi ang partido ng kanyang Uncle Joey (Marquez) ang kanyang susuportahan, na siyang makakatunggali ng ina niyang si Alma Moreno. Ang incumbent mayor kasi ng Parañaque City ang dinadala ni Alma in her second term as councilor, at hayagan niyang pinapupurihan ang magagandang kontribusyon nito.

As expected, ang kasalukuyang barangay chairman na si Jeremy Marquez, anak ni Joey, is all for his dad’s mayoral candidacy.

Pero given this scenario, mukhang dehado si Joey kahit pa ang mismong anak nila ni Alma na si Wyn-Wyn ang tatanungin. SK Chairman si Wyn-Wyn na kaalyado ng sinusuportahang mayoral bet ni Alma, and wherever mom goes ay doon ang dalaga.

FYI, ang inyong lingkod po ay taga-Pasay City, kapitbahay lang ng Parañaque City. Sa totoo lang, mas gumanda ang lungsod nu’ng mawala si Tsong…este, nu’ng mawalis si Tsong. After all, hindi ba’t sumabit si Joey sa “walis” scam?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleAi-Ai delas Alas, hinahanap ang love life sa Greece?! – Pilar Mateo
Next articleRhian Ramos, ayaw sa lalaki? – Ruben Marasigan

No posts to display