SA WAKAS ay ipinalabas na rin sa Netflix ang pelikulang pinagsamahan ng Kapuso actor na si Paolo Contis at Kapamilya actress na si Yen Santos na ‘A Faraway Land‘ (dating ‘A FAROEway Land‘). Ito ay kinunan sa liblib na Faroe Island bago natapos ang taong 2020. Masipag noon ang mga bida sa pagpopost ng social media updates habang kinukuhanan ang mga eksena sa parte na ito ng Denmark.
May mga ilan na naghahanap nito, pero sa parte namin ay naging ‘by luck’ and ‘by chance’ namin nadiskubre na nasa Netflix na pala ito. Wala kasi itong promotion at ni walang nilabas na trailer on or before August 19. Kung hindi pa nagpost sina Paolo at Yen a day before ito naging available sa Netflix ay hindi ito malalaman ng mga fans nila.
Ang ‘A Faraway Land’ ay kuwento ni Majhoy Garðalið (Yen Santos) isang Pinay na nakapangasawa ng Faroese at tahimik na nabububay doon kapiling ang kanyang pamilya. Tulad ng typical Pinoy OFW ay marami itong trabaho para matupad ang kanyang mga pangarap at makapagpadala ng pera para sa pamilya sa Pilipinas. Makikilala niya ang Pinoy documentary reporter/ filmmaker na si Nico Mercado. Dito ay may mabubuong short but complicated romance.
Swak na swak si Yen sa pagganap bilang OFW. Kuhang-kuha niya ang charm ng ating mga kababayan natin na nagiging paborito ng kani-kanilang employer abroad. Positive and full of hope ang kanyang aura at meron din siyang ‘motherly charm’ kaya convincing ang kanyang pagganap. Matagal-tagal na rin natin hindi napapanood ang dalaga (huli pa ang kanyang hit drama series na Halik from three years ago) kaya naman aliw din kami na siya ay muling mapanood sa ganitong pelikula.
Si Paolo Contis naman ay nagtrend last year dahil sa Netflix success ng kanyang mga pelikulang ‘Though Night and Day’ at ‘Ang Pangarap Kong Holdap’. May mga nagsasabi na parang siya na nga ang male version ni Alessandra de Rossi dahil nagiging pareho na ang tema ng mga pelikula nila. At almost his late thirtees ay muling bumalik ang aura nito bilang isang leading man. Lalong lumabas ito sa ‘A Faraway Land’.
Ang nagustuhan ko sa ‘A Faraway Land’ ay hindi ito as heavy as some of the ‘hugot films shot in abroad’ films. Naramdaman ko bilang audience na ninamnam ng dalawang characters ang kanilang ‘fleeting moments’. Realistic din ang ending nito kahit na may pagka-bittersweet. You will feel something, pero hindi tipong super down ka buong araw.
Kudos to the director, producers and cast of the film! At least, nalaman ng ating mga kababayan na Faroe Islands exists. Sa panahon ngayon na bawal pa rin lumabas ng lubos dahil sa lumalalang pandemya, magandang makakita ng magagandang tanawin sa pamamagitan ng pelikula.
Pero teka – bakit ba wala itong trailer kahit two days nang pinalabas sa Netflix ang pelikula? Sayang naman kung matatabunan lang ang interest ng tao sa pelikulang ito dahil sa pilit na pagkakalink sa mga bida. Ibenta niyo ang ganda ng pelikula at wag daanin sa promo!