SABI NGA NG isang Wowowee girl, “Congratulations!!!” Yes, ‘yan ang aming nasambit lang kay Paolo Contis nu’ng ibalita niya sa aming girlalu ang lumabas sa ultrasound ni Lian Paz.
Yes, baby girl na naman. Na naman, kasi, ‘yung kuya ni Paolo na si Carlo ay baby girl din. Kaya dalawang granddaughter na meron sina Daddy Renato at Mommy Jean Contis.
Ewan ko kung okay na si Mommy Jean ngayon. As in wa namin knows kung natanggap na rin niyang magiging lola na rin siya sa anak na si Paolo.
By February, uuha na ang sanggol at excited na si Paolo na maging ama.
Sa baby lang at kay Lian lang humuhugot ng lakas at ngiti si Paolo sa kabila ng isang “katotohanan.” Me gano’n, ha? Me katotohanan pa kaming nalalaman. Hahaha!
Kaya mo ‘yan, Pao. ‘Kaw pa, fighter at survivor ka. Just like me.
Isiningit daw ang sarili, o!
ALIW NA ALIW kami kapag binabasa namin sa mga tabloid ang sagutan nina Zoren Legaspi at Ruffa Gutierrez na kapwa kasama sa Shake, Rattle & Roll na filmfest entry ng Regal Films.
Sa totoo lang, kahit sabihin n’yo pang gumigimik sila o nagpapaka-showbiz sila, wala na kaming pakialam. Basta ‘pag ang dalawang ito, nagpainterbyu, no dull moment. Nakakikilig ang mga interbyu nila.
Diyan mo mararamdamang may kanya-kanya na nga talaga silang buhay, dahil kahit ang nakaraan ay napag-uusapan na nila.
Parang sina Echo at Tintin. Pero mas type namin ang mga pa-cute nina Ruffa at Zoren. Mas totoo.
NAG-CELEBRATE SI AIKO Melendez ng kanyang 34th b-day sa piling lang ng kanyang mga staff sa kanyang bahay. “Wala akong ibang inimbita. Kasi, gusto kong iregalo sa mga loyal staff ko ang December 16, Mother,” sey sa amin ni Aiko.
Actually, parang Christmas party na rin ‘yon ng mga staff, isinabay lang ang b-day ni Aiko. ‘Andu’n nga ang family ng “special someone” niyang si Bulacan, Bulacan Acting Mayor Patrick Meneses na sobrang close pala rito ang mga anak ni Aiko.
At doon din namin nakita na ang guwapo pala ng inaanak naming 11 years old na ngayon, si Andrei. At ang nakakalokah, sobrang ganda rin ng anak ni Aiko kay Martin Jickain, si Marthena na 3 years old na. Artistahin ang mga anak ni Aiko, pero ang kaso, “Ayaw nila, Mother!”
Anyway, abalang-abala ngayon si Aiko sa pag-iikot sa buong Quezon City. Alam n’yo na…
AT KAMI NAMAN? Hehehe. Tumatakbo po kaming independent bilang Konsehal sa 3rd District ng Quezon City. Ang lakas ng loob, ‘no? Actually, mas pinili na naming maging independent para choice din namin kung sino ang dadalhin naming mayor, vice mayor, congressman, maging presidente at bise presidente.
Nakatutuwa ring malaman na iniimbitahan kami ng isang partido na maging guest candidate nila, dahil kulang sila ng isang kandidato.
At nakakatuwa ring malaman na halos karamihan ng mga barangay captains ay bitbit kami. Sila ‘yung mga kapitang kabibiliban mo, dahil wala silang pakialam kung wala kang pera.
Oh My G!
by Ogie Diaz