Sinungaling ba ang baguhang si Paolo Gumabao o nalito lang sa isasagot niya sa press na nagtatanong sa kanya?
Kung hindi pa kami nag-surf online last weekend, hindi ko pa malalaman na iba ang kuwento niya sa kaibigang Rommel Gonzales (na isinulat nito sa PEP) na naunang nag-interview sa kanya at sa interview naman namin sa kanya right after the presscon of the horror-comedy movie nina Enchong Dee at Kiray Celis na “I Love You to Death” na showing na sa July 6.
Dahil uso ngayon ang mga sex video at mga online sex na nabubuking ang mga artista natin na minsan sa kanilang kabataan ay na-involve sa ganitong sitwasyon, si Paolo Gumabao todo-deny sa amin na mayroon siyang involvement or karanasan. Sabi niya sa amin ng online blogger na si Albert Bryan, never niyang ginawa. “Wala akong itinatago. Wala akong ganu’n na video,” paniguro niya sa amin.
Pero sa interview sa kanya ni Rommel, todo hirit nitong si Paolo na when he was 14 years old, something happened online. To quote Paolo ayon sa isinulat ni Rommel, “The girl was someone I knew very closely and I trust naman na hindi niya ilalabas.” Pertaining to the cybersex that they did.
Sus! Ekladora pala itong si Paolo, kung hindi ba naman siya sinungaling or gusto lang magpapansin para lituhin ang mga writer nang makakuha ng atensyon. Ano ba talaga ang tooto? Ayaw ni DMV ng ganito, huh!
Ang ganitong mga artista na base sa karanasan ko, nakatatakot palang paniwalaan ang sasabihin nitong si Paolo in the future. Never again. Kaloka siya!
Reyted K
By RK VillaCorta