Paolo Gumabao muntik mag-quit sa pag-aartista

Leo Bukas
DREAM come true para sa Star Magic artist na si Paolo Gumabao na muling makatrabaho sa kanya pa mismong launching movie ang batikan at award-winning director na si Joel Lamangan. Si Paolo ang bida sa pelikulang Lockdown ng For the Love of Arts Films na streaming worldwide on July 23, 2021 through ktx.phupstream.ph and RAD (iamrad.app).
Paolo Gumabao

“Matagal ko po talagang pinangarap yung ganitong tipong pelikula lalo na directed by Direk Joel which is nakatrabaho ko na rin si Direk Joel before when I was around 17 sa That Thing Called Tanga Na.

“Boyfriend ko do’n si Billy Crawford, comedy yon, so dati pa lang nung nakatrabaho ko si Direk Joel sabi ko sana sa future makatrabaho ko ulit siya sa isang leading role at nangyari na nga and dream come true for me kaya I’m really excited and very happy,” natutuwang kuwento ni Paolo sa aming interview.

Aminado ang binata na medyo matagal rin ang kanyang hinintay bago magkaroon ng launching movie.

“I’m turning 23 and I started showbiz at 15 so mag-e-eight years din akong naghintay. Hindi naman ako nainip. Alam ko naman na ang essence of this work is patience, alam ko naman yon before.

“Pero may time na umabot ako sa point na naisip ko, ‘Para sa akin ba talaga ito? Gusto ba ako ng industriyang ito?’ Pero somehow,  naniwala pa rin ako  sa sarili ko, pinagpatuloy ko. And then, yung year na kung kelan sinabi ko sa sarili ko na, ‘Hindi, kailangan kong ituloy,’ yon yung year na nakuha ako sa Lockdown which was last year,” paliwanag ni Paolo.

Ibinahagi rin sa amin ni Paolo na kahit anak siya ng sikat na matinee idol noong dekada 80 (his father is Dennis Roldan) ay na-experience din niya na maging bit player lang sa pelikula na wala talagang role.

Lahad ni Paolo, “Para sa akin kasi, importante na kapag gusto nating tumagal sa isang trabaho, maging artista man yan o kahit anong trabaho kailangang mag-umpisa tayo sa pinaka-lowest. Because kung mabibigyan ka kaagad ng leading role sa first project mo hindi mo mapapakita yung lahat ng meron ka.

“Pero hindi rin naman lahat ganun kasi may iba sinuwerte and may talent talaga. Pero for me I think kung anong pinagdaanan ko for the past eight years was necessary because I believe that experience is the best teacher and makikita yon sa trabaho pag experienced ka na. Ako, happy ako sa naging path ko.”

“Nangyari nga na dumating ako sa isang shoot ng isang movie tapos ang sabi sa akin may role daw ako pero pagdating ko don… Siyempre, ako very excited ako when I have work, pagdating ko don, may konting lines and hindi kami masyadong napa-prioritize.

“Alam ko naman na ganun talaga yung industry, so okey lang naman, it’s something na kailangan talaga naming pagdaanan bilang mga newcomer sa industriya,” pagre-recall pa ng Lockdown star sa kanyang pagsisimula sa showbiz.

Ayon pa kay Paolo, kahit naging sikat na aktor noon ang kanyang ama ay hindi niya ginamit ang pangalan nito para mapadali ang pagpasok sa showbiz.

“No… actually hindi ko naman tinatago na anak ako ng papa ko pero as much as possible kasi ayoko siyang maging way para sa akin para makakuha ako ng trabaho. My father’s success is not my success. I wanna make a name for myself.

“I’m not trying to be like him, not trying to be him, I’m just trying to be me. I’m trying to be Paolo Gumabao and give  my all sa lahat ng mga trabahong ibinibigay sa akin,” huling pahayag niya.

Bukod sa Lockdown ay regular ding napapanood si Paolo bilang si Maximo sa Kapamilya primetime series na Huwag Kang Mangamba.

Previous articleAra Mina at Dave Almarinez target agad magka-baby ngayong taon
Next article‘The Other Wife’ hindi raw ordinaryong love affair movie ayon kay Lovi Poe

No posts to display