NAKATANGGAP ng subpoena mula sa korte ang aktor na si Paolo Gumabao dahil sa isang Tiktok entry niya habang sumasayaw na suot ang uniporme ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP).
Kinasuhan si Paolo dahil ilegal diumano ang pagsusuot nila ng kanyang co-actor sa pelikulang Mama Sapano: Now It Can Be Told ng Special Action Force (SAF) uniform sa Tiktok. Ang naturang uniform ang gamit nila sa shooting ng pelikula.
“We were all surprised because we have permission to use them. Ang reklamo sa akin, nagsayaw daw ako sa TikTok wearing the uniform.
“Ako naman, no offense meant at all, but it’s a lesson learned for me at di na mauulit. Buti na lang the case didn’t prosper,” pag-alala ng Kapamilya actor sa nangyari.
Ang Mamasapano ay official entry ng Borracho Films sa 2022 Metro Manila Film Festival na magsisimula sa Pasko. Isa si Paolo sa mga bida sa pelikula at aware siya na second choice lamang siya for the role na intended talaga for JC de Vera.
“Ang ganda nung role and they’re about to shoot in two days, so tatanggi pa ba ako? Nagka-covid si JC at hindi niya naman din yon ginusto,” ani Paolo na gumaganapan bilang Supt. Raymond Train sa movie.
Patuloy niya, “It’s an action movie and even as a young boy, dream ko talagang gumawa ng action film. So I’d like to thank our producer, Atty. Ferdie Topacio, and Director Lester Dimaranan, for giving me the chance to try action.
“We shot sa bundok at mainit sa set, nakabilad kami sa araw maghapon, then inilubog kami sa ilog, mahirap. But I enjoyed it all.”
Aminado ang aktor na dahil last minute na siyang isinama sa pelikula kaya wala siyang gaanong naging paghahanda para sa kanyang role bilang isang military police.
“I didn’t have much time to prepare kasi nag-shoot na agad ako. But on the set, may mga nagturo sa amin how to use guns at ang dami kong natutuhan sa kanila. We used real guns in the movie. Immersed na immersed na talaga ako sa mga eksena namin,” kuwento pa ni Paolo.
Ipapalabas ang Mamasapano sa December 25, 2022.