KAHIT INIINTRIGA SI Paolo Paraiso sa pakikipagrelasyon ni Mylene Dizon sa ex-boyfriend ni Phoemela Barranda na si Ira Cruz, masaya nitong hinarap ang media sa presscon ng Medicol Advance Winners Race to a Million at Annabel’s.
Kumusta na kayo ni Mylene? “Were parents with Tomas and Lucas, pinag-uusapan namin about the kids kung ano ang kailangan ng mga bata. Anytime naman, puwede akong pumunta sa bahay niya para sunduin ang mga bata. ‘Yung personal life, hindi namin masyadong pinag-uusapan. Recently, feeling ko, si Mylene lang ang puwede kong makausap, natatawagan ko naman siya. Naglalabas din naman ako ng sama ng loob sa kanya. Kahit papaano, we’re still close friends. I like to think that we’re still close friends. As much as possible, we are parents to Tomas and Lucas,” simpleng sagot ni Paolo.
Nu’ng time kaya na maging mag-dyowa sina Mylene and Ira, nag-open-up ba siya sa ‘yo? “Actually, nu’ng nag-start palang nagkaka-okeyan sila, nag-open-up na sina Mylene. I think that was October or November yata, hindi ako sure.”
Kailan inamin ni Mylene na sila na ni Ira? “Hindi pa naman nila inaming sila na, hindi ako nagtatanong, tahimik na lang ako. Sa kanilang dalawa na ‘yun, wala naman problema kung sila na o hindi.”
Ibig kayang sabihin ni Paolo, hindi siya nasaktan sa pakikipagrelasyon ng dati niyang dyowa? “’Yun nga ang kina-clarify ko. Sabi nila na may interview raw akong parang sinabi kong nasaktan ako! Ang pinakamalaking reaction ko actually, nagulat lang ako when I heard the news. Nu’ng nalaman ko through media.”
Nu’ng time na kayo ni Mylene, do you really love each other? “Well, we were in love. We were crazy madly in love at the time we’ve met. Kumbaga, she showed me the roof, I would like to think that time na ako, I’m crazy in love with her at the time. I have learned so many things, siya ‘yung nagturo. Marami akong natutunan sa kanya sa pagiging artista, hindi sa pagiging celebrity. Sa pagiging artista, du’n ko natutunan kay Mylene at sa group of friends niya ang pagiging ganap na artista. Kung hindi ko siya nakilala, baka matagal bago mamulat ang mata ko sa difference ng celebrity at artista.”
Gaano tumagal ang relationship ninyo? “Sandali lang, three years, mga ganu’n, one and one-half (years old) na si Tomas. It’s like, we’re two and the same, and two different at the same time, kaya medyo may conflict. Tapos, lahat, iniisip na si Mylene palaban, tapos ako ‘yung ano… pareho kaming palaban. Although, hindi kami umaabot sa suntukan… pareho rin kaming rational so, nagdidiskusyon kami. Hindi kami compatible pero marami kaming magkakapareho at ‘yung difference namin, malalaki rin. ‘Yun.”
‘Yung pagkakaroon uli ninyo ng baby, by accident lang ba ‘yun? “Hindi siya accident per se. Kasi nu’ng mayroon nang Tomas, naghiwalay kami. Napag-usapan na namin kung if ever na magkakaanak uli. That was an agreement na hindi naman namin plinano at ‘yung nangyari after a few years… two years… may isang gabing nagkatitigan at nag-krus ang aming landas at bigla naming na-miss ang isa’t isa… nabuo si Lucas na blessing din naman.”
What if mag-decide si Mylene to marry Ira? “Out ako du’n. Whatever Mylene decides… as a couple, wala na ako du’n. If ever Mylene asks for my permission, okey sa akin. Pero hindi ko nire-require si Mylene na sabihin kung anuman ‘yun. Basta ang concern ko, masaya siya bilang siya at masaya ang mga anak ko. Ang puno’t dulo ng lahat ng ginagawa ko sa ngayon, para sa mga anak ko.”
In case nagpakasal na nga sina Mylene at Ira, okey lang kaya kay Paolo na i-adopt ang mga anak niya? “Ayokong magsalita ng tapos, kung i-adopt… hindi pa natin alam kung magpapakasal sila and everything. Marami pang major string na event na puwedeng mangyari bago umabot du’n. As of now, kapag dumating ‘yung moment na ‘yun, depende sa akin ‘yun. Kasi, I’m maturing everyday. I’m improving everyday and becoming a better person everyday. By that time comes, I think the best decision na magagawa ko, ‘yung the best for everybody. Life is a learning experience,” aniya.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield