May mga nagsasabing nagsasapawan ang Showtime at Wowowee na pareho namang ipinapalabas sa Kapamilya network. Mas masaya raw talagang panoorin ang Showtime at mas mga bago ang nakikita kumpara sa halos paulit-ulit nang mga eksena sa Wowowee.
Speaking of pareho, ‘di nakaligtas sa ating kamerang-gala ang suot na damit nina Anne Curtis at RR Enriquez. Aba teka, pati ba naman sa wardrobe eh, kelangang maging pareho?! At sino ang unang nagsuot?! Parehong araw pa yata, alam na!
By Mica Rodriguez and Jet Bentulan
Photos By Allan Sancon
Paparampa
Pinoy Parazzi News Service